Thirty "Zoey!" seryoso ang expression ng mukha ko. Ilang buwan din ang nakalipas, simula ng umalis ako ng bansa. Iniwan si Abe at hindi sinagot ang tawag ni Zoey. Sinulyapan ko ang tatlong sanggol na himbing na natutulog sa gitna ng kama ko. Kailangan kong bumalik ng Pilipinas dahil sa misyon ko. Hindi ako patutulugin ng idea na pagala-gala ang mga demonyong dahilan ng kidnapping noon. Nakapag-usap na kami ni Mommy. Noong una'y hindi ito payag sa desisyon kong umuwi ng bansa. Ang sabi ko rito, ipapa-annul ko ang kasal namin ni Abe. Pero nang makapag-isip-isip ito ay pumayag na rin. Ito na raw ang bahala sa mga anak ko. Hindi madali ang desisyong iyon. Pero kailangan, kung gusto kong makasama ang mga anak ko ng hindi napapahamak ang mga ito, kailangan kong tapusin ang nasimulan ko. Sapat