Fifty-three "Nasaan ang Ma'am Quinn n'yo?" tanong ko sa mga kasambahay na nagliligpit sa sala. Kabado bente, lalo't alam kong may kasalanan ako. "Umakyat po sa kwarto n'ya, kasama ang mga bata." Huminga muna ako nang malalim bago humakbang patungo sa hagdan. Saka ko lang napansin ang mga tauhang abala sa pagkakabit ng harang doon. Maybe for those little monsters protection and safety. "Quintin, Quilan and Abegail!" dinig ko ang seryosong tinig ni Quinn. Pakiramdam ko kapag pangalan ko na ang bibigkasin nito sa ganoong paraan ay mangangatog na ang binti ko sa kaba. Pwede pa ba akong umatras? Kukuha lang ng kaunting lakas ng loob. Pero kapag hindi ko ito hinarap, baka mas lalong magalit. Bahagya akong sumilip sa pinto. Plano ko sanang tantyahin muna ang sitwasyon. Pero sakto ring napa