What did you say? You like her? Sarkastikong tanong naman ni clarence habang nakaupo naman kami sa kanilang sala kasama ang mama nila. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila, samantalang si daren ay bumuga naman sa hangin at ngumusi sa'kin.
"Anong sinabi ko sayo 3 months ago!? Hindi ba't sinabi ko na sayo na ayokong magkakaron ka ng ugnayan sa kapatid ko? Well pinapagpasalamat namin sayo yung ginawa mong pagtatanggol sa kanya kagabi pero hanggang dun na lang yon!
"Daren! Saway ni tita celicia sa kanya
"Ma! Hahayaan mo na lang ba na mapunta si celestine dyan sa lalaking yan!?
"Bigyan naman natin siya ng pagkakataong ipaliwanag ang sarili niya! Hindi sa kinakampihan ko siya dahil gusto ko siya para sa kapatid niyo, pero karapatan din niya na magpaliwanag" napatahimik na lang si daren at clarence matapos sabihin ni tita celicia yun.
"Pasensya ka na hijo, pinoprotektahan lang kasi nila yung kapatid nila"
"Naiintindihan ko po tita, saka wag po kayo mag-alala seryoso po ako hindi ko po magagawang lokohin si celestine.
"Hindi magagawang lokohin? Pano kami makakasiguro na hindi mo lolokohin ang kapatid namin? Galit na hinarap ako ni clarence.
"I wont promise anything, pero ito lang ang sinisiguro ko, gagawin ko ang lahat para kay celestine. Lahat sila ay seryosong nakatitig sa'kin at sinusukat kung totoo ba ang sinasabi ko.
"Bakit mo siya gusto? Nagsukatan kami ng tingin ni clarence pagkuwa'y sinagot ko siya ng deretso.
"Because of this, turo ko sa aking puso. I know you wont believe me, nong una ko siyang makita alam ko sa sarili ko na naattract lang ako sa kanya, hanggang sa pinagtatagpo na kami ng tadhana. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko siya gusto, hindi ko siya magugustuhan, hindi siya nababagay sa'kin mariin kong tinatanggi yun sa sarili ko, katulad niyo takot din akong masaktan ko ang kapatid niyo at takot na din akong masaktan dahil minsan na kong nagmahal at nasaktan" noong huli kami nag-usap ni daren na layuan ko si celestine ginawa ko. Pero habang lumilipas ang mga araw nag-iiba ang pakiramdam ko. Gusto ko munang makasiguro sa nararamdaman ko. Tinigil ko ang pakikipagdate sa iba dahil gusto ko kapag humarap ako kay celestine ibang wallace na ang kaharap niya hindi na yung maraming babae. I know this sounds crazy pero, my mom's right. Siya ang nakapagpabago at nakapagbukas nitong puso kong matagal ko ng sinara sa iba"mahabang litanya ko sa kanila. Kita ko naman ang pamumuo ng luha sa mga mata ni tita celicia. Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at pinakatitigan ako.
"Salamat hijo, may tiwala ako sayo" ngumiti naman siya at ganon din ako.
"Pero kami ni daren wala" napatingin kami pareho ni tita celicia kay clarence na hindi pa rin naaalis ang pagka disgusto.
"Clarence!
"Okay lang tita, hindi ko naman ipipilit na magustuhan niyo ko kagad, gagawin ko ang lahat para magtiwala kayo sa'kin.
"Let's see! Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na din ako at babalik na lang para kumustahin si celestine dahil alam kong hindi pa ito okay dahil sa nangyari sa kanya.
"Hijo kumusta na si celestine? Anong sabi ng pamilya niya? Salubong ni mama sa'kin pagkapasok ko ng bahay, inakbayan ko naman ito at iginiya sa sala at naupo katabi ko.
"She's fine but not totally okay"
"Grabe naman yung gumawa sa kanya non! Dapat sa kanya mabulok sa bilangguan eh! Buti na lang talaga anak at nandun ka, walang nangyaring masama sa kanya.
"Sila tita celicia na daw ang bahala dun sa lalaking yon ma" kung ako ang tatanungin bubugbugin ko pa yon hanggang sa mawalan siya ng mukha eh! Pag naaalala ko ang ginawa ng lalaking yon kay celestine ay parang gusto ko ulit siyang sugurin at tanggalan ng mukha.
"Bakit parang iba ata ang galit mo anak?
"Panong hindi ako magagalit ma!? Pinagtangkaan niya ng masama ang mahal ko! Natigilan akong bigla pati si mama. Napakurap kurap naman niya kong tinitigan na wariy nagtataka sa sinabi ko. Tumikhim muna ko bago nagsalita.
"S-sige ma aakyat muna ko p-pupunta pa kasi ko ng ospital. Mabilis akong naglakad palayo dahil alam kong kukulitin na naman niya ko.
"Hoy wallace! Totoo ba yung sinabi mo? Rinig ko pang sigaw ni mama. Alam kong sinusundan niya ko pero mabilis akong pumasok sa kwarto ko. Saka na ko magkukwento sa kanya kapag ayos na si celestine.
"My princess kumain ka na muna kahit konti lang, pilit ni papa sa'kin. Nakahiga ako sa kama at nakatalikod sa kanya.
"Sige hija iiwan ko na muna tong pagkain mo dito ah, pag nagutom ka kainin mo na lang to. Pinatong na lang ni papa sa study table ko ang dala niyang pagkain at lumabas na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maisip kung pano nagawa sa'kin yon ni chris. Kung hindi sana dumating si doctor wallace baka natuloy ang binabalak ni chris sa'kin. Narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko at kinuha ko naman ito sa ibabaw ng side table ko. Si kian ang tumatawag nagdadalawang isip pa ko kung sasagutin ko ito, pero napagpasyahan ko na din sagutin para malaman kung ano na ang nangyari kay chris. Hindi pa ko nakakapagsalita ng una ng magsalita si kian.
"Beshy!! Alam ko kung ano ang nangyari sayo! My god hindi ko akalain na magagawa yun ni chris! Kita naman natin kung pano ka niya irespeto pero nagulat talaga ko sa ginawa niya! Sigaw ni kian sa kabilang linya.
"Pasensya ka na kian ah hindi na ko nakapagpaalam sayo"
"Ano ka ba cel ayos lang! Wag mo kong intindihin, ikaw ang inaalala ko, nabalitaan ko na binugbog daw ni doc wallace si chris, mabuti na lang talaga at nandon siya ng mga oras na yon. Naalala ko namang bigla si doc wallace, hindi ko pa pala siya nakakausap ng maayos at nakakapagpasalamat sa ginawa niya. Dahil wala pa ko sa sarili ko noong mga oras na yun. "Sorry beshy ah, kasalanan ko kung bakit nangyari sayo yan sana hindi na lang kita pinilit pumunta don" malungkot naman nitong sabi sa'kin.
"Wala kang kasalanan hindi rin naman natin alam na gagawin yun ni… ni.. Chris.. Parang hirap na ko banggitin ang pangalan niya, at napapikit na lang ako ng mariin.
"Hindi ko pa nga siya nakikita ngayon beshy, anong plano niyo?
"Hindi ko pa alam kila kuya, alam mo naman yon baka nga kumikilos na sila ngayon dahil sa nangyari"
"Bagay lang sa kanya yon! Masyado pala siyang manyak! O siya sige na beshy magpahinga ka na muna, tawagan mo na lang ako kapag handa ka ng pumasok"
"Sige kian salamat" inilagay ko sa side table ulit ang cellphone ko pagkatapos namin mag-usap ni kian at nagpasya muna ko matulog dahil noong nasa bahay ako nila doc wallace ay hindi naman ako masyadong nakatulog dahil sa iniisip ko yung ginawa ni chris.
Ilang oras din akong nakatulog ay may marinig naman akong ingay na nanggagaling sa labas. Bumangon ako para silipin kung anong nangyayari sa labas. Una kong nakita ang madilim na itsura ni kuya clarence habang yakap naman siya ni mama sa likod. Kaya tuluyan na kong lumabas para malaman kung ano ang nangyayari.
"K-kuya bakit? Sabay pa silang napatingin sa'kin ni mama at nilapitan naman ako ni kuya daren na nasa tabi lang din nila.
"Celestine pumasok ka sa loob" napadako naman ang tingin ko sa kanang bahagi ko at nakita ko si chris na putok ang labi nito. Nanlaki naman ang aking mata sa gulat nang makita siya.
"C-celestine patawarin mo ko hindi ko sinasadya yung nangyari kagabi, nadala lang ako please, patawarin mo ko! Pagmamakaawa niya habang nakaluhod siya. Nabalutan naman ng galit ang aking dibdib dahil sa ginawa niya at muntik na ko mahalay.
"Ang lakas din ng loob mong sabihin kay celestine yan! Pinagkatiwalaan ka niya pero anong ginawa mo!?
"Umalis ka na chris, ayoko ng makita ka pa" tumalikod na ko at pumasok na sa loob ng bahay. Nasa likod lang ako ng pinto at narinig ko pang nagsalita si kuya clarence.
"Hindi ka namin ipakukulong, pero ayoko ng makita pa yang pagmumukha mo kahit saan! Pagkasabi ni kuya non at pumasok na din silang lahat sa bahay.
“Its okay cel, matapos niyang sabihin sakin yon ay niyakap ako nito ng mahigpit.