Pagkahatid ko kay celestine sa kanilang classroom ay palihim ko namang kinausap si kian na halos kararating lang ng makapasok na sa loob ng silid si celestine. Sinulyapan ko muna si celestine bago binalingan si kian. "Kian ikaw na muna ang bahala kay celestine ah? Pag may kakaiba kang napapansin sa kanya pakitawagan mo naman ako kagad o di kaya yung mga kuya niya or si tita celicia" napansin kong nagulat siya sa mga sinabi ko. "D-doc handsome, alam niyo? Yumuko ako at dahan dahang tumango. "Oh my god! P-pero paano niyo po? "I'm a doctor kian syempre malalaman ko yun" wika ko na lang sa kanya at hindi na sinabi sa kanya ang totoong dahilan. "Pakiusap kian wag mo munang sabihin sa kanya na alam ko na ang tungkol sa sakit niya hanggat hindi ko pa naaayos ang lahat" "Sige po doc hand