CHAPTER 10

1182 Words
Kanina ko pa iniisip yung mga sinabi ni mama at ni jake. Bakit hindi ko subukang buksan ulit tong puso ko? Kinapa ko ang aking puso kung wala na ba ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong naka move on na ko, siguro panahon na nga para ayusin ko na tong buhay ko. Ang totoo niyan gusto ko na rin namang maranasang magmahal ulit at mahalin, kaso mas nangingibabaw sa'kin ang takot. Ayoko na ulit maranasan yung nangyari sa'kin. Sa twing pipikit ako ay mukha ni celestine ang nakikita ko, ang maamo niyang mukha ang siyang hindi ko makalimutan. "Love at first sight? Tsss! Sabi ko sa aking sarili. Ganitong ganito ko nakilala si arriane dahil una ko pa lang siyang makita ay nabighani na ako kagad sa kanya. Iniisip ko pa lang ang mga posibleng mangyari ay nagdadalawang isip na ko. Mabilis akong tumayo sa aking upuan at lumabas ng opisina ko. Pupuntahan ko si celestine, kahit na masulyapan ko lang siya. No, gusto ko siyang makausap. Tama kakausapin ko nga siya, pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya? "f**k! Mahinang mura ko at sabay hampas sa aking manibela habang tinatahak ko papunta sa bahay ni celestine. Sa dami ng babaeng naidate ko na bakit ngayon pa ko nagkaganito? Hindi pa ko nakakalapit sa bahay nila ay may natanaw ako na may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nila, kaya inihinto ko muna ang kotse ko malapit sa kanila. Mabuti na lamang at tinted tong sasakyan ko kaya hindi kita kung sino ang nasa loob. Kita ko kung pano siya tignan nung lalaking kausap niya alam kong may gusto siya kay celestine, kita ko naman kung pano gantihan ng ngiti ni celestine yung lalaking kasama niya. Huli na ba ko? Bulong ko sa aking sarili bumuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan sila. Nang makaalis na yung lalaking kasama niya ay napatingin naman ito sa gawi ko, tingin ko namukhaan niya ang sasakyan ko dahil minsan ko na itong naihatid sa kanila. Pagkuwa'y pumasok na lang siya sa loob. Ilang minuto pa ang nilagi ko doon at umalis na din ako kaagad, tama na yung nakita ko siya. "Hijo andyan ka na pala" nakangiting bungad sa'kin ni papa. Kasalukuyang nasa sala sila ni mama at… what the!? Nagulat naman ako sa kanilang ayos. Si mama na grabe kung makayakap kay papa at nakahawak naman si papa sa bewang ni mama. "Oh kumusta anak? Napakalas lang si mama ng umupo ako sa pang-isahang upuan at tinitigan muna sila ng taimtim. "Bakit anak, may problema ba? Tanong ni mama, hindi ko alam kung matatawa ba ko dahil sa nakita kong ayos nila kanina. Tumikhim muna ko at hinarap sila. "Balak niyo na ba ko sundan ma, pa? "Sa tanda naming to tingin mo ba mabubuntis pa ko ha wallace!? Inis naman akong tinitigan ni mama. "Honey malay mo naman pwede pa? Natatawang wika naman ni papa sabay kindat sa'kin na ikinatawa ko. "Hoy simon mahiya ka nga ang tanda tanda mo na! Mag-ama nga talaga kayo! "Syempre ma dahil pareho kaming gwapo" inirapan lang ako at muling kinulit ito ni papa. Nakakatuwa lang silang pagmasdan, dahil sa edad nilang yan ay masasabi kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Ni minsan ay hindi ko sila nakitang nag-away dahil sa babae, dahil may umaali aligid kay papa, bagkus nagkaron sila ng tiwala sa isat isa at naniwala sa kanilang pagmamahal. Ako kaya, kailan ko mararanasan ang katulad sa mga magulang ko? Naalala kong muli si celestine. I think she's not the right girl for me. "Celestine anak gising na! May pasok ka pa, katok ni mama sa labas ng aking kwarto. Pagod naman akong bumangon at kinusot kusot ko ang aking mga mata. "Opo ma! Sigaw ko naman. "Sige anak bumaba ka na lang para makapag-almusal" "Sige po susunod ako" inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba. Akmang lalabas na ko ng kwarto ng biglang kumirot ang ulo ko kayat napahawak ako sa aking ulo. Umupo muna ko sa dulo ng aking kama at pinahupa muna ang sakit. Napapansin ko na napapadalas ang pagsakit ng aking ulo at nagiging makakalimutin na din ako. Naiistress na din siguro ako sa pag-aaral, dahil kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral ko para hindi mawala ang scholarship ko. Yun na lang kasi ang maitutulong ko kina mama at papa, dahil ayokong makadagdag pa sa kanilang mga gastusin. Sa gamot na lang ni papa ay halos dun na napupunta ang kanyang sinasahod sa pagiging cook sa restaurant na pinapasukan niya. Ayaw naman niyang tumigil sa pagtatrabaho, binibigyan naman siya nila kuya ng pera para may pambili ng gamot ngunit hindi din naman ito sapat dahil sa dami din ng aming bayarin. May sakit sa puso si papa at higgblood na din, kaya hindi dpat siya masyadong mapagod. Mabuti na lamang at mabait ang may ari ng pinapasukan ni papa at hindi siya binibigyan ng mga mabibigat na trabaho. Nang medyo umokay na ang pakiramdam ko ay tumayo na akong muli at lumabas na ng aking kwarto. Naabutan kong nag-aalmusal na sila. Umupo naman ako sa aking pwesto, katabi sila kuya. "Anak may nakakalimutan ka ata? Nakangusong tanong ni papa. "Ano po yun pa? Takang tanong ko naman sa kanya. "Hindi ka na ata humahalik sa'min ng mama mo kapag umaga" may himig ng patatampo na saad ni papa. "Ay ganun po ba? "Naku ikaw talaga, nagtampo naman kay celestine, isang beses lang naman yun eh"natatawa namang turan ni mama. "Oo nga pala cel, hinatid ka pala ni banlag kagabi? Baling sa'kin ni kuya daren na tapos ng kumain. Nakakunot noo ko siyang tinitigan. Hinatid? Nino? Tanong ko sa aking isipan. "Cel, tinatanong ka ni kuya daren mo" sabi naman ni kuya clarence na nasa kaliwang bahagi ko. "Ha, ah oo kuya" "Nanliligaw na naman ba ulit? "S-sino? Kunot noo kong tinitigan si kuya clarence at tinignan din niya ko ng may pagtataka sa kanyang itsura. "E di si chris, meron pa bang iba? Hindi kaagad ako nakasagot. "Napapansin ko sayo lately na nagiging makakalimutin ka na cel, may problema ba sa school? "Wala naman kuya clarence, stress lang siguro to. "Hija wag mo masyadong pagurin sa pag-aaral yang sarili mo, yayain mo ulit lumabas si kian para makapag unwind ka naman" "Ma yung huling lumabas si cel, e di ba umuwi nga yang lasing" inis na hinarap ni kuya daren si mama. "Basta ayoko ng pupunta ka ng bar ha celestine? "Ma wala din naman po akong balak, at isa pa kailangan ko mag-aral dahil marami kaming activities ngayon. "Okay sige hija ikaw ang bahala" hindi ko maintindihan minsan ang sarili ko, nagiging makakalimutin nga ako, hindi naman ako ganito dati, may nakakalimutan man ako pero hindi ganito kalala, may time pa na pati daan papunta sa school ay hindi ko matandaan. Tama, stress lang ako kaya siguro may mga bagay bagay akong nakakalimutan. Mama's right mukhang need ko makapag unwind para maging fresh ulit ang utak ko. Tinapos ko na kagad ang pagkain ko at tinungo ang aking kwarto para makapag ayos papasok sa school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD