BOOK 2 CHAPTER 53 (The new journey)

3310 Words

Dalawang araw din akong namalagi sa ospital at simula noon ay hindi ko na nakitang dinalaw ako ni daddy. Masakit para sa’kin dahil nawalan ako ng anak. Nawala na sa’kin si Jeremy pati na rin ang tiwala ni daddy ay nawala na rin. I feel so helpless at pakiramdam ko ay napakalaking kasalanan ang nagawa ko. Kasama ko si mommy at si Ulysses naman ay inaayos ang mga gamit ko dahil ngayong araw ang labas ko sa ospital. Nakamasid lang ako sa labas ng bintana at naramdaman ko ang mga haplos sa’kin ni mommy sa aking balikat. Binalingan ko siya at tipid akong ngumiti sa kaniya. Kailangan kong lakasan ang loob ko at ayokong ipakita kay mommy na malungkot ako dahil ayaw ko siyang mag-alala pa. “Anak, halika na aalis na tayo,” yaya na niya sa’kin. “Mom, si daddy po?” Natigilan siyang bigla at nagyu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD