CHAPTER 3

2909 Words
Malalaki ang mga hakbang ko na nagtungo ako sa banyo after nang naganap sa amin ni Jeremy sa loob ng locker room. Pagkapasok ko sa loob ng banyo ay itinukod ko ang dalawang kamay ko sa sink at inis akong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Dahil hindi ko na mapigilan ang pagka-inis ko ay nagpapadyak pa ako at sumigaw ako sa loob hanggang sa malagutan ako ng hininga. Para namang gumaan ang pakiramdam ko at medyo kumalma ako pagkatapos kong gawin iyon. “Antipatikong lalaki! Akala mo kung sinong guwapo! Anong akala niya sa sarili niya makukuha niya ‘ko?” Nakanguso kong wika sa aking sarili. Nagulat na lang ako ng may dalawang estudyanteng lumabas sa cubicle at takang nakatitig sa’kin. Pilit na lang akong ngumiti sa kanila at mabilis nang lumabas sa banyo. Habang patungo naman ako sa susunod kong klase ay nagring ang aking telepono at kaagad ko naman itong kinuha sa bulsa ng aking pantalon. Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen at kaagad ko naman itong sinagot. “Hmmn?” tipid kong sagot sa kabilang linya. “Hi Madie may klase ka pa?” “Oo meron pa bakit?” “Puwede ba tayong magkita? May kailangan lang akong sabihin sa’yo eh.” Nakaramdam ako ng kilig dahil makikita ko ang childhood crush ko. I was only ten years old when I first met him. Classmate ko siya noong elementary at naging matalik kaming magkaibigan. Hindi ko alam kung kailan ko siya naging crush ang alam ko lang ay basta ko na lang siyang naramdaman. He’s nice, intelligent and a true gentleman na isa sa hinahanap ko sa isang lalaki. Magkaiba na kami ng school na pinapasukan ngayon dahil mas gusto niya raw na malapit sa pinapasukan niyang trabaho. He’s a working student at tanging siya lang ang sumusuporta sa sarili niya dahil iniwan na siya ng mama niya at sumama sa ibang lalaki. Mas lalo ko siyang hinangaan dahil sa pagpupursigi niya sa pag-aaral para lang makatapos siya at iyon din siguro ang nagustuhan ko sa kaniya. “Sige ba, saan ba tayo magkikita?” Nakangiti ko namang sagot sa kaniya. “Puntahan na lang kita riyan sa school mo pagkatapos ng trabaho ko tapos ililibre na rin kita ng meryenda” “Naku mukhang bagong sahod ka yata ah!” biro ko pa sa kaniya. “Wala lang gusto lang kitang i-treat saka medyo matagal na rin tayong hindi nagkikita eh.” Kung kanina ay nagsisigaw ako dahil sa inis kay Jeremy, ngayon naman ay gusto kong magsisigaw sa tuwa dahil kay Ulysses. “O-okay.” Pagkababa ko ng tawag ay hindi ko naman maitago ang ngiti ko sa mga labi at tila lumuksong bigla ang puso ko dahil sa kilig. Pagkapasok ko sa loob ng classroom namin ay kaagad naman akong sinalubong ni Nina at hinila pa papunta sa aking upuan kung saan naman ako naka-puwesto. Huminga pa siya nang malalim at muli akong binalingan nang tingin na siya namang ikinataka ko. “Bespren sumama ka naman sa amin ni Ellaine mamaya,” namumungay pa ang mata niyang sambit sa’kin. “Saan naman? Saka may lakad ako mamaya hindi ako puwede” “At saan ka naman pupunta ng hindi kami kasama ni Ellaine aber?” Nakataas pa ang isang nito. Hindi ko puwedeng ilihim sa kanila na magkikita kami ni Ulysses dahil malalaman din naman nila ito. Alam nilang matagal ko ng crush si Ulysses at kaming apat ang magkakakaklase noon at nagkahiwalay lang noong gumraduate na kami ng high school. Tanging si Nina at Ellaine lang ang nakasama ko rito sa Southville at isa rin sa dahilan kung bakit hindi niya pinili ang mag-aral dito dahil naiilang siya dahil alam niyang puro may mga kaya ang mga nag-aaral dito kahit alam naman niyang puwede siyang kumuha ng scholarship. “May kikitain lang ako,” tipid kong sagot sa kaniya. “Don’t tell me si Ulysses ‘yan?” Napamaang na lang ako at hindi nagsalita dahil sa pagkagulat. Napansin naman ito ni Nina at napatutop sa kaniyang bibig. “Oh my God Mads! Trulaley ba ‘yan?!” Sabay hampas niya pa sa isang braso ko at tila kinikilig. “Tumigil ka nga riyan Nina nakakahiya ka,” mariing saway ko sa kaniya. Umayos pa siya ng kaniyang pagkakaupo at inilagay pa sa kaniyang palad ang baba nito. “Hoy Madeline, remember bawal ka pang mag-boyfriend wala ka pang permission ng daddy mo” “I know, saka wala pa naman talaga akong balak magka-boyfriend ‘no” “E paano kung magtapat sa’yo si Ulysses na may gusto rin siya sa’yo?” Natahimik akong bigla sa sinabing iyon ni Nina. Paano nga kung may gusto rin siya sa’kin? Alam kong bata pa ‘ko sa mga bagay na ‘to at una sa lahat tutol si daddy kung sakali mang may manligaw sa’kin. Kilala niya si Ulysses dahil ipinakilala ko na rin ito sa kaniya at alam niyang malapit ko rin siyang kaibigan at ayoko ring mawalan ng tiwala si daddy sa kaniya. “A-ano ka ba magkaibigan lang kami no’n,” nauutal kong saad. “Hanggang magkaibigan lang talaga kayo kasi lagot ka kay daddy mo kapag nalaman niyang may umaaligid sa’yo. At isa pa kung talagang seryoso siya sa’yo maghihintay siya kung kailan puwede ka na magka-jowa.” Nang matapos na ang huling klase ko ay kaagad kong niligpit ang mga gamit ko at excited naman akong lumabas ng classroom namin. Narinig ko pa ang pagtawag ng dalawa kong kaibigan ngunit hindi ko na sila nilingon pa. Paglabas ko ng campus ay nakita ko na sa may gate si Ulysses na nakatayo at matamang naghihintay sa’kin. Lalo siyang gumwapo sa suot niyang faded jeans na tinernuhan ng white rubber shoes at suot nito ang plain black t-shirt. Sumilay naman ang ngiti ko sa mga labi at lalapitan na sana siya ng may biglang humablot sa isang braso ko at dinala ako sa isang tabi kung saan walang estudyanteng dumaraan. Nagulat na lang ako nang harapin niya ako at madilim niya akong tinitigan. Nakakatakot ang itsura niya at hindi ko mahagilap kung ano ang aking gagawin. Hindi ko na lamang ito pinansin at pagkuwa’y inirapan siya at pinagkrus ko ang aking mga braso. “What do you want from me?” masungit kong tanong sa taong kinaiinisan ko. “Let’s have dinner” “Hindi pa naman natin date ngayon ah” “I want you to eat with me” “May lakad ako ngayon kumain ka na lang mag-isa.” Tatalikod na sana ako nang hilahin na naman niya ako palabas ng gate. Nakita ko pa si Ulysses na nakatingin sa amin at nagtataka. Hinihila ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya ngunit masyado itong mahigpit. Pumasok kami sa isang restaurant na malapit lang dito sa Southville at ramdam ko ang tingin ng mga estudyante na kumakain din dito. Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kaniya at malakas na bumuga sa hangin at hinarap siya. Gusto ko siyang tirisin ngayon pa lang ng pinong-pino dahil sa ginawa niya at nakita pa ito ni Ulysses kung paano niya ako hilahin. “Ano ba kasing problema mo?” Mahina ngunit may diing saad ko sa kaniya. “I told you__” “May lakad ako saka isa pa hindi ito ang pinag-usapan natin,” putol ko sa kaniyang sasabihin. “Is that your boyfriend?” Mabilis akong napatingin sa kaniya at seryoso naman siyang nakatitig sa’kin. Napansin niya siguro si Ulysses kaya bigla na lamang niya akong kinaladkad papunta rito. Naalala ko naman si Ulysses at alam kong kanina niya pa ako hinihintay. “Hindi ko siya boyfriend at__” “Well good. Wala pala akong magiging problema.” Sasagot pa sana ako nang mapansin kong may tumabi sa akin kaya napatingala na lang ako sa kaniya. Nanlaki pa ang mga mata ko sa pagkagulat at masama ang tingin ni Ulysses kay Jerremy. Hindi naman nagpatalo si Jeremy at tinitigan niya rin ito ng masama. Walang gustong magbaba nang tingin kaya tumayo na lang ako sa kanilang gitna. “Saka na ulit tayo mag-usap Jeremy.” Hinarap ko naman si Ulysses at aalis na sana kami nang hawakan naman ni Jeremy ang kanang kamay ko at hilahin niya ako sa kaniyang tabi na siyang ikinagulat namin pareho ni Ulysses. “I want you to stay,” bulong niya na sapat lang para marinig ko. Napalunok akong bigla at takang tiningnan si Ulysses at pansin ko ang paggalaw ng kaniyang panga. Alam kong galit na siya at nagpipigil lamang, kahit kailan ay hindi ko pa siya nakitaan ng ganito kagalit at hindi rin siya kailanman nasangkot sa ano mang gulo. Mabilis ding hinawakan ni Ulysses ang kabilang kamay ko ngunit mas mahigpit ang pagkakahawak ni Jeremy sa’kin na halos mamula na ang palapulsuhan ko. Napapikit na lang ako at malakas na bumuga sa hangin at sinamaan nang tingin si Jeremy ngunit kay Ulysses lang siya nakatingin at ganoon din si Ulysses sa kaniya. “Kung hindi mo ‘ko bibitawan hindi ako makikipag-date sa’yo,” bulong ko naman sa kaniya at doon lamang niya ako tiningnan. Naramdaman ko naman na lumuwag ang pagkakahawak niya sa’kin kaya mabilis na rin akong tumalikod at hinila na si Ulysses palabas ng restaurant. Nauuna naman akong maglakad sa kaniya at napahinto lang ako nang humarang siya sa aking harapan. Malapad siyang ngumiti sa’kin at marahang hinaplos ang aking buhok. “Nagugutom ka na ba? Saan mo gustong kumain?” Hindi pa rin naaalis ang pagkakangiti niya sa’kin. Gumanti rin ako nang ngiti sa kaniya at maya-maya’y nag-isip. “Kahit saan basta kasama kita,” mahinang sagot ko. “Ano ‘yon Madie?” “Wala! Sabi ko riyan na lang tayo sa malapit.” Pumunta naman kami sa pinaka malapit na restaurant dito at umorder na ng pagkain. Simple ko naman siyang sinusulyapan habang kumakain siya at napapangiti na lang ako. Ngayon lang ulit kami nagsama dahil naging busy rin siya sa trabaho at nag-aaral pa siya. “Siyanga pala Madie, sino ba ‘yong lalaking iyon? Mukhang ang sama ng ugali eh. Kinukulit ka ba no’n palagi?” Uminom muna ako ng juice bago siya sagutin. “Ewan ko ba ro’n ang dami namang puwede niyang pagtripan bakit ako pa ang natipuhan niya” “Mag-iingat ka sa kaniya Madie, sayang nga lang at hindi na tayo pareho ng school na pinapasukan hindi na kita mababantayan.” Simple naman akong napangiti at kinagat pa ang ibabang labi ko. “Oo nga pala, ano pala ‘yong sasabihin mo sa’kin?” Pag-iiba ko nang usapan. Pansin ko na nag-iba ang mga ngiti niya at tila nahihiya pa ito sa’kin. Naalala ko naman ang sinabi ni Nina kanina at mukhang magtatapat pa ito. Paano kung ganoon nga? Ano naman ang isasagot ko sa kaniya? “I already knew you for a long time Madie, nakakahiya man pero itatanong ko na rin sa’yo.” Napalunok akong bigla at lumakas ang t***k ng puso ko dahil na rin siguro sa kaba. “A-ano ba ‘yon?” “May nagugustuhan kasi ako eh, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. Lumapit pa siya nang bahagya sa’kin at ngumiti kaya naman ang puso ko ay halos malaglag na sa sobrang kilig. Ang sarap lang niyang titigan kapag ganitong malapitan. Matagal na rin kaming magkaibigan at matagal ko na ring tinatago ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko alam kung crush lang ba ito o sadyang love na ang nararamdaman ko para sa kaniya. “Matagal mo na ba siyang gusto?” Tumango lang siya at pinipigilan ko naman ang sarili kong kiligin sa harap niya. “Ever since I was a kid Madie. I really really liked her a lot.” Parang may kung ano akong naramdaman na hindi ko maintindihan. Gusto ko rin sabihin sa kaniya na matagal ko na siyang gusto kaso nahihiya ako dahil baka kung ano ang isipin niya sa’kin. Mataman siyang nakatitig sa’kin at medyo nakaramdam naman ako nang hiya kaya umiwas na lang ako nang tingin sa kaniya at biglang napainom na lang ako ng juice dahil sa sobrang kaba. “Ano bang dapat kong gawin? Should I asked her to be my girlfriend?” Muntikan na akong masamid dahil sa kaniyang sinabi at nagpakurap-kurap pa ako at tinitigan siyang maigi kung seryoso ba siyang talaga. “Ano ka ba Ulysses, siyempre liligawan mo muna siya” “Ah, so you mean tatanungin ko siya kung puwede ko ba siyang ligawan?” “Oo naman ‘no, paano ka niya sasagutin kung hindi mo siya liligawan?” Nakangusong turan ko sa kaniya. “Ah, I see.” Sabay tawa niya at kamot niya sa kaniyang batok. Nang matapos kaming kumain ay inihatid na niya akong kaagad sa bahay at nagpaalam na rin siyang umuwi dahil maaga pa raw ang pasok niya kinabukasan. Papasok na sana ako sa bahay nang lumabas naman si daddy kaya kaagad ko siyang nilapitan at niyakap. “How’s school?” Inakbayan naman niya ako papasok sa loob ng bahay. “Okay lang naman dad,” nakangiting sagot ko naman sa kaniya. “So tell me the reason why you’re so happy” “Halata ba dad?” Hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi ko dahil baka mapansin niya ang pamumula ng mukha ko. Pinag-krus niya pa ang dalawang braso niya at tila hinihintay niya ang susunod kong sasabihin. Alam kong hindi siya sang-ayon kung sasabihin ko sa kaniya na kung puwede may manligaw sa’kin. He’s strict at higit sa lahat ayaw na ayaw niya pa akong magkaroon ng boyfriend and I understand that. Pero kung sasabihin kong si Ulysses iyon baka biglang magbago pa ang isip niya. “Dad, can I ask you something?” Medyo kinakabahan ko pang tanong kay daddy. “What is it?” “Are you mad if I say that someone wants to court me?” “What?!” Biglang nawala ang ngiti ko at parang bumagsak ang balikat ko. “And who is that guy? I thought wala ka pang balak magka-boyfriend at ito magpapaalam ka sa’kin na may manliligaw sa’yo?” “Dad naman ligaw lang naman eh, hindi pa naman boyfriend” “Ganoon din iyon Madeline, you’re too young for that at ayokong may kaagaw sa baby ko” “Dad naman eh! I told you I’m not a baby anymore. At isa pa magdedebut na ‘ko next month.” Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang baywang ko at kunwa’y inis sa kaniya. Napahilot na lang siya sa kaniyang sentido at maya-maya’y umupo naman sa couch at nanatili pa rin akong nakatayo. Umupo naman ako sa tabi niya at niyakap siya para lang mawala ang galit niya. Naiintindihan ko naman si daddy dahil pinoprotektahan lang niya ako at hindi ko sisirain ang tiwalang binibigay niya sa’kin. Wala pa naman talaga akong balak magka-boyfriend dahil gusto kong matapos muna ang pag-aaral ko. Kung sakali mang ligawan ako ni Ulysses at kung kaya niya akong mahintay kapag naka-graduate na ako. “Dad?” “Okay baby Madie I’ll think about it.” Napakalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at unti-unting sumilay ang mga ngiti ko sa labi. “But before that make sure that he’s a good man at ligaw lang muna hindi ko sinabing magboyfriend ka” “Okay dad! I love you!” Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi at dali-dali akong nagtungo sa aking kuwarto. Pagkapasok ko sa aking kuwarto ay pabagsak naman akong nahiga sa malaking kama ko. Napatitig ako sa kisame at parang mukha ni Ulysses ang nakikita ko roon at nakangiti sa’kin. Hindi ko akalain na matagal na rin pala niya akong gusto noong mga bata pa kami. Sabi ko sa sarili ko kung magkakaroon man ako ng boyfriend gusto ko ay katulad ni daddy at siguro ay si Ulysses na nga ‘yon. Nasa ganoong ayos ako nang marinig ko naman na tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha sa shoulder bag ko. Nagtaka naman ako dahil unknown number lang ito at binuksan ko ang nilalaman ng text message. “It’s me, Jeremy, see you on Saturday or I’ll pick you up at your house.” Nanlaki ang mga mata ko sa pagtataka kung paano niyang nalaman ang number ko. Pabagsak akong naupo sa gilid ng kama at bahagya pang ginulo ang aking buhok. Iniisip ko kung sino naman ang nagbigay ng number ko sa ipis na ito at sa text naman ako nito kinukulit. Magrereply na sana ako sa kaniya nang magring ang telepono ko at alam kong siya ang tumatawag. Napairap na lang ako sa ere at inis kong sinagot ang kaniyang tawag. “What?” “You want me to pick you up__” “Huwag!” Napatayo akong bigla sa pagkakaupo at hindi na pinatapos pa ang kaniyang sasabihin. “Sabihin mo na lang sa’kin kung saan tayo magkikita at puwede ba ‘wag mo ‘kong kulitin dahil busy ako ngayon” “Busy with him?” “Wala kang pakialam.” Pagkasabi kong iyon ay kaagad ko nang ibinaba ang tawag at muling nahiga sa aking kama. Sana naman pagkatapos nito ay tuluyan na niya akong patahimikin dahil hindi ko maatim na makasama pa siya at kung puwede nga lang ay ayoko siyang makita sa campus dahil naiinis ako sa mayabang na ipis na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD