“Aaah, J-jeremy! Oh my God!” Malakas na ungol ko na halos malagutan na ako ng hininga.
Nakapatong ang isang hita ko sa kaniyang balikat at mariing umuulos sa aking ibabaw. Bawat pagbaon niya ay siya namang mahigpit kong kapit sa kaniyang mga braso. Pangatlong beses na ito at hindi talaga niya ako ‘ko tinitigilan hanggang sa nakakalakad pa ako.
Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin at parehong nakaawang ang aming mga labi. Pakiwari ko’y hindi pa nakakaramdam nang pagod ang isang ito at malakas pa siyang bumabayo. Ibinaba niya ang hita ko at pagkuwan ay pinagdiskitahan ang isa kong dibdib. Walang sawa niya itong sinipsip habang siya’y bumabayo. Mahigpit akong napayakap sa kaniya at medyo nakakaramdam na rin ako ng hapdi sa aking hiyas.
“s**t! You’re so f*****g good baby,” wika niya habang salitan niyang sinisipsip ang aking dibdib.
“Jeremy, can we, aaah!” Ungol ko pa nang mariin niyang ibinabon sa loob ko ang kaniyang sandata.
“Can we what baby?” Hinihingal nitong tanong.
“I’m tired Jeremy.” Imbes na sagutin niya ako ay hinalikan na lang niya ako at patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.
Halos malagutan naman ako nang hininga dahil sa bawat paghalik niya ay para na akong kakapusin ng hininga. Ipinasok niya pa ang dila niya sa aking bibig at ginalugad ang loob nito. Mahina pa akong napaungol at ako na ang humiwalay para naman makahinga ako. Napatitig ako sa kaniya at wala pa rin siyang tigil sa paggalaw sa aking ibabaw. Hindi naman niya alintana ang pagkalmot ko sa kaniyang likod dahil sa matinding pagbaon nito.
“But I’m not baby Madie. If you can still walk, then we’re not finished my wife.” Bigla akong nanlamig sa kaniyang sinabi at tiyak kong seryoso siya.
Hinawakan niya ang isa kong dibdib habang ang isang kamay niya ay nakatukod sa aking gilid. Tila ba siya ay sumasayaw sa aking ibabaw na walang tugtog at tanging tunog lang ng kama ang aking naririnig. Medyo magulo na rin ang kuwarto niya dahil parang isa kaming hayop kanina na nakawala sa kagubatan.
Mariin niya pang binaon ang mahaba niyang sandata sa aking loob at hindi ko naman alam kung saan ko na ibabaling ang aking ulo. Para na akong mababaliw sa sensasyong ginagawa niya at sa bawat paghawak niya sa aking katawan ay tila may kuryente na dumadaloy rito.
Pinagpalit niya ang puwesto namin at ako naman ang inibabaw niya sa kaniya. Ipinasok niya ang sandata niya sa aking loob at napaawang na lang ang mga labi ko. Sinimulan ko nang gumalaw sa ibabaw niya at humawak pa siya sa magkabilang baywang ko. Hindi ko alam kung paano ko nagagawa ang bagay na ito at basta na lamang akong gumiling sa kaniyang ibabaw. Pinisil niya pa ang dalawang dibdib ko at pagkuwan ay hinimas ito. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at saka nito sinipsip ang isang dibdib ko na animo’y sanggol. Dinila-dilaan niya pa ito at pinaikot sa paligid ng aking korona. Patuloy pa rin ang pagtaas-baba ko sa kaniyang ibabaw habang abala siya sa aking mga dibdib.
At nang magsawa siya ay muli niyang pinagpalit ang puwesto namin. Pinatuwad niya ako at nakahawak naman ako sa headboard ng kaniyang kama. At nang ipasok niya itong muli ay malakas akong napaungol at kinagat ko pa ang ibabang labi ko. Halos masira na ang kama dahil sa lakas nang pagkakabayo niya sa aking likuran. Mahigpit pa siyang humawak sa aking baywang at pabilis na nang pabilis ang kaniyang pagbayo. Ilang sandali pa ay tumigil na siya at ramdam ko na ang mainit na likido sa aking loob. Marahan niya itong hinugot at pabagsak naman akong dumapa at pagod na pagod naman ako. Halos habol ko na ang aking paghinga at naipikit ko na lang ang aking mga mata dahil sa matinding pagod. Naramdaman ko na lang na kinumutan niya ako at hinagkan sa aking noo.
Naalimpungatan naman ako at napabalikwas sa aking pagkakahiga. Hinanap ko ang aking telepono at nakita ko ito sa ibabaw ng study table ni Jeremy. Tatayo na sana ako nang makaramdam ako ng matinding kirot sa aking ibaba. Napangiwi ako at napahawak na lang roon dahil pakiramdam ko ay pinupunit ito. Tiningnan ko ang aking sarili at nakasuot na ako ng puting t-shirt at may suot na rin akong panty. Binihisan na rin ako ni Jeremy noong himbing ako sa aking pagtulog.
Napatingin ako sa may pintuan ng biglang bumukas ito at tumambad si Jeremy at malapad pa siyang ngumiti sa’kin. Awang ang mga labi ko nang masilayan siya dahil sa kaniyang ayos. Bagong ligo na rin ito at nakasuot siya ng itim na t-shirt at khaki shorts na tama lang ang sukat sa kaniya. May dala siyang tray na may lamang iba’t-ibang klase ng pagkain at inilapag niya ito sa kama. Mabilis niya akong hinalikan sa mga labi ko at napakurap-kurap na lang akong napatitig sa kaniya. Kung noon ay halos mabaliw na ako sa paghanga ko kay Ulysses at siya lang ang tanging lalaking nakikita ko na guwapo sa paningin ko. Pero ngayon ay parang gusto kong parating nakikita si Jeremy.
“Masyado ba akong guwapo para titigan mo ‘ko ng ganiyan?” nakangiting wika niya.
Gumanti naman ako nang ngiti at tumango sa kaniya. Hinaplos ko ang mukha niya at pagkatapos ay niyakap ko siya. Parang isang panaginip lang na kasama ko siya ngayon. Kung dati ay inis na inis ako kapag nakikita ko siya, ngayon naman ay hinahanap-hanap ko na siya at ayokong mawawala siya sa paningin ko.
“Thank you,” mahinang sabi ko.
“For what?”
“For loving me. Even though I don’t really like you and I have no interest in you because you’re arrogant and a womanizer.”
Kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at tinaasan ako ng kilay. “Ako womanizer? Where did you get that from?”
Bumuga pa ako sa hangin at pinaikot ko ang mata ko sa ere. Kala yata ng ipis na ito ay wala akong alam sa kaniya. Kahit papaano ay may nasasagap din naman akong balita tungkol sa kaniya. Ewan ko nga ba kung paano nahulog ang loob ko sa kaniya, siguro nga ay walang perpektong tao sa mundo at kung sino pa ang pinaka-ayaw mo sa lahat ay iyon naman ang ipagkakaloob sa’yo.
“Hoy Mr. Villafuerte, noon pa man nakikita na kitang maraming babae ang nakapaligid sa’yo! Siguro nga isa sa kanila ang naikama mo na ‘no?” Pansin ko na nag-iba ang timpla ng mukha niya at yumuko na lang siya. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi kong iyon kaya parang naguilty tuloy ako sa sinabi ko sa kaniya. “Jeremy.” Nag-angat siya nang tingin nang tawagin ko siya.
Pilit siyang ngumiti sa’kin at hinawakan ang aking kamay. “Wala akong ibang kinama kun’di ikaw lang Madie. Wala rin akong ibang babaeng dinala rito kun’di ikaw lang din. At lalong wala akong ibang nagustuhan kun’di ikaw lang. Noon at hanggang ngayon ikaw lang Madie wala ng iba.” Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ko maintindihan pero parang may laman ang sinabi niyang iyon. Ibig ba nitong sabihin ay matagal na niya akong kilala? Pilit ko namang iniisip ito kung nakilala ko na ba siya noon o nakita ko na siya sa ibang lugar pero hindi ko talaga matandaan.
“Jeremy, have we met before?” Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa nang tanungin ko siya.
“You didn’t even remember anything?” Umiling ako sa kaniya. “Well, that’s your assignment,” sabay pisil niya pa sa aking pisngi.
Sinamaan ko siya nang tingin pero ang ipis na ito ay ngingiti-ngiti lang sa’kin. Napadako ang tingin ko sa pagkaing dala niya at natakam akong bigla pagkakita ko sa cake. Biglang nawala ang inis ko sa kaniya at kaagad na kinuha ang cake at kinain ito.
“Hmmn, ang sarap naman nito.” Sumubo pa ako ng isa at pinunasan naman niya ang bibig ko na kumalat ang icing doon.
“Dala kanina ni Katrina ‘yan. Siya mismo ang nag-bake niyang cake.” Susubo pa sana ako ng isa nang marinig ko ang pangalan ng babaeng hinaharot niya kanina.
Pabagsak kong ibinaba ang platito at akmang bababa na ako sa kama nang hawakan naman niya ang isang braso ko. Masama ang tingin ko sa kaniya at iwinaksi ko pa ang kamay ko.
“Ihatid mo na ‘ko, uuwi na ‘ko baka hinahanap na rin ako ni daddy,” saad ko at sa malayo ako nakatingin.
Hinawakan niya ang kamay ko at akmang tatanggalin ko ito nang mahigpit naman niya itong hinawakan. Napatingin ako sa kaniya pero kalmado lang siyang nakatingin din sa’kin. Umiwas ako nang tingin sa kaniya dahil baka kung ano lang ang masabi ko sa kaniya kahit na parang sasabog na itong dibdib ko sa inis sa kaniya.
“There’s no reason to be jealous baby.” Hindi ko siya pinansin at sa ibang direksyon ako nakatingin. “Baby, look at me please?” Nakasimangot akong tumingin sa kaniya at hinalikan naman niya ang likod ng palad ko. “Hindi mo naman kailangang magselos sa kaniya eh”
“At bakit hindi?! Kung ikaw sanay ka nang hinaharot ng ibang babae, puwes ako hindi Jeremy! Naiinis ako kapag may babaeng lumalapit sa’yo at kapag ngumingiti ka sa iba. Ang sarap mong sakalin!” Napahagikhik naman siya na mas lalo kong ikinainis.
Pinagpapalo ko naman siya sa kaniyang braso at panay naman ang iwas niya sa bawat pagpalo ko sa kaniya. Hinuli niya ang dalawang kamay ko at mangiyak-mgiyak naman akong tumitig sa kaniya. Dahil sa inis ko sa kaniya kaya napapaiyak na lang ako.
“Hey baby, I’m sorry. Huwag ka nang magalit. Katrina is just a friend and Brian’s girlfriend.” Parang doon lang ako natauhan pagkasabi niyang ‘yon.
Binitawan na niya ang mga kamay ko at saka lang nagsibagsakan ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. I don’t know the reason but I feel so sensitive everytime. Siguro ay dahil dala lang ito ng buwanang dalaw ko kaya ako nagkakaganito ngayon.
“I’m sorry,” humihikbing wika ko.
Pinunasan niya ang luha ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at iniharap sa kaniya. Hinalikan niya ang mata ko at pagkuwa’y ang mga labi ko.
“Tulad nang sinabi ko sa’yo, noon at hanggang ngayon ikaw lang Madie at hindi na ’ko magmamahal ng iba kung hindi lang din ikaw.” Pagkasabi niyang iyon ay niyakap niya ako. “Masaya ako kasi nararamdaman ko na mahal mo na rin ako. Ito lang ang sasabihin ko sa’yo, nothing is greater than my love for you”
Humiwalay ako nang pagkakayakap sa kaniya at masuyo siyang pinagmasdan. Sinasalat ko kung seryoso ba siya sa mga salitang binitawan niya. Iyong mga mata na niya ang nagsasabi ng katotohanan at alam kong hindi ‘yon nagsisinungaling.
“Kapag dumating ang oras na sabihin mong hindi mo na ako mahal, hindi ko alam kung kailangan ko rin bang maniwala.” May lungkot kong himig sa kaniya.
“That could never be happen my wife. Araw-araw kong sasabihin sa’yo at ipaparamdam kung gaano kita kamahal at imposibleng magbago pa ‘yon. You didn’t know that we’re meant for each other at hindi tayo maghihiwalay. Maybe only death will separate us”
Magsasalita pa sana ako nang sakupin na niya ang aking mga labi. Sa bawat paghalik niya sa’kin ay mas lalo naman akong nasasabik sa kaniya at sa bawat pagbigkas niya na ako ang asawa niya ay mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko para sa kaniya. Iyong pangarap kong bumuo ng sariling pamilya balang araw ay mukhang siya ang tutupad noon at sana ay kami na ang dalawa sa huli tulad ng paghanga ko sa mga magulang ko.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay halos kapusin naman kami pareho ng hininga na akala mo’y hindi namin natikman ang isa’t-isa kanina lang. Pinagdikit niya ang aming mga noo at pumikit ako at masuyong hinaplos ang kaniyang makinis na mukha. Kahit na nakapikit ako ay alam ko ang hugis ng kaniyang mukha at sigurado akong hindi ko makakalimutan iyon.
“I love you my sugarpop,” mahinang wika ko sa kaniya na alam kong narinig niya.
Sandali siyang natigilan at humiwalay sa’kin nang bahagya. Iyong mga titig niya na akala mo’y hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Gusto kong matawa sa kaniyang itsura pero pinigilan ko na lang at tinitigan din siya.
“Did I heard it right baby?” Tumango ako sa kaniya at ngumiti.
“Can you say it again?” Pabiro ko siyang inirapan at mabilis na bumaba sa kama.
Saktong pagbaba ko ay bigla namang
kumirot ang ibabang bahagi ko kaya kaagad akong napahawak doon at napangiwi. Dinalohan naman ako ni Jeremy at inalalayang makaupo sa gilid ng kama. Umupo siya sa harapan ko at hinawakan ang isang kamay ko at hinagkan ito.
“Did I hurt you that much?” May himig na pag-aalala niyang turan.
Umiling ako sa kaniya at nginusuan siya. “Nagkaroon lang kasi ako kanina kaya medyo masakit ‘yong bandang ibaba ko.” Napamaang siya sa kaniyang narinig at tinitigan ang pagitan ng mga hita ko at unti-unti siyang nag-angat nang tingin.
Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at pakurap-kurap siyang nakatitig sa’kin. Napatutop ako sa aking bibig nang mapagtanto ang aking sinabi. Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin kaya ganoon na lang ang naging reaksyon niya.
“What the, oh my God. Did I eat something wrong?” Mariin akong napapaikit at saka ako tumayo at hinarap naman siya.
“I forgot to tell you about that, I’m sorry”
“But I didn’t see any blood in your p***y cat while I was dressing you.” Napatapik na lang ako sa aking noo matapos niyang sabihin iyon. “The f**k baby, pinakain mo ‘ko ng dinuguan. It’s my favorite pero ngayon hindi na.” Para naman siyang batang humalukipkip at masama ang tingin sa’kin.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa kaniyang itsura. Inirapan pa niya ako at mahinang bumuga sa hangin. Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap na lang siya para lambingin at para kahit papaano ay mawala ang inis niya dahil sa hindi ko pagsabi na dinatnan ako ng dalaw.
“Sorry na hmmn? Fresh pa naman ‘yon at saka hindi naman gano’n pa karami ‘yon eh”
“What? Oh my God baby, I can’t believe it! Ginawa mo akong bampira.” Inis pa rin siyang nakatitig sa’kin at unti-unti ko namang inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya.
“I said sorry already, bakit galit ka pa rin?” Ewan ko pero maliit na bagay lang naman ‘yon para sumama ang loob ko sa kaniya at nagiging insensitive ako.
Siya naman ang lumapit sa’kin at yumakap sa’kin. Hinagkan niya ang aking buhok at hinaplos ang aking likod. Pinipigilan kong umiyak pero sadyang pumatak ito sa aking pisngi. Napansin naman ni Jeremy ang paghikbi ko kaya kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at hinarap ako.
“I’m sorry my wife, binibiro lang naman kita eh. Huwag ka nang umiyak malalagot ako sa daddy mo kapag hinatid kita sa inyo nang namamaga ang mga mata mo”
“Nakakainis ka kasi eh”
“Birthday ko pa naman tapos nag-aaway tayo.” Natahimik akong bigla nang maalala ang mahalagang araw para sa kaniya.
Nagyuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya. I didn’t even know what he likes, what’s his favorite and even his age. Ni hindi ko nga rin alam na ngayon pala ang birthday niya at hindi ako nag-atubili man lang na alamin iyon.
“Wala man lang akong alam tungkol sa’yo. I’m sorry,” hinging paumanhin ko na lang. “Kung alam ko lang e ‘di sana may regalo ako sa’yo kahit papaano”
“Who told you that you don’t have a gift? You are enough, and we already make love and that’s the most expensive gift you gave me,” sabay kindat niya pa sa’kkin.
Natawa na lang ako sa kalokohan niya at mahinang pinalo ko naman siya sa kaniyang braso. Sinong mag-aakala na aabot kami sa ganito? Sana lang ay walang hanggang kasiyahan na ang nararamdaman ko ngayon at sana sa huli ay siya pa rin ang lalaking makasama ko habang buhay.
Hinatid niya ako sa bahay bago dumilim dahil tiyak kapag malalim na sa gabi ay uusok na naman ang ilong ni daddy kapag wala pa ako sa bahay at lalo na hindi ako nakapagpaalam sa kaniya. Nasa tapat na kami ng aming bahay at niyaya ko rin si Jeremy na muli siyang ipakilala sa mga magulang ko dahil noong minsan ay nagkaroon ng hindi magandang nangyari at ito ang naging sanhi ng hindi namin pagkakaunawaan. And I think this is the right time to introduce him to my parents at lalo na kay mommy.
“Are you sure baby na okay lang sa’yo?” May pag-aalinlangan pang tanong sa’kin ni Jeremy.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at malapad akong ngumiti. Alam kong kinakabahan siya at ganoon din naman ako. Gusto kong maging open kami sa isa’t-isa at gusto ko rin naman maging pormal ang relasyon naming dalawa. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa kaniya at marami ring tanong na bumabagabag sa aking isipan.
“It’s okay Jeremy, masungit man si daddy pero I’m sure magugustuhan ka niya, trust me.” Tumango lang siya at pagkuwan hinapit ako nito sa aking baywang at hinalikan.
“What are you doing to my daughter?!” Kaagad kong naitulak si Jeremy palayo nang marinig ko ang nakakatakot na tinig ni daddy.
Nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat dahil katabi lang niya si Tito Gascon na tila hindi na nagulat sa kaniyang nasaksihan. Nakaramdam ako bigla ng hiya at takot na rin dahil sa dinami-rami pa nang makakakita sa’min ay si daddy pa ang nakakita. Okay lang sana na ‘yong mga barkada kanina ni Jeremy at kaya ko pang lakasan ang loob ko, pero si daddy? Mas gugustuhin ko na lang na magkulong sa kuwarto kapag nakikita ko na ang galit sa kaniyang mukha.
“Ahhm, kissing her sir.” Napapikit ako dahil mukhang ayaw niyang magsinungaling sa harap ng daddy ko.
“In front of my house?” Dumako ang tingin sa’kin ni daddy at hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretso. “Madeline, get inside and you young man,” turo niya kay Jeremy na mas lalo kong ikinakaba. “Get inside also we have a lot to talked about, and don’t you ever touch my daughter in front of me.”
Sunud-sunod akong napalunok nang tumalikod na si daddy at kasunod naman niya si Tito Gascon. Naloko na! Nagsama pa nga ang dalawa at tiyak akong hindi makakaligtas si Jeremy sa dalawang iyon.