Nakatingin lang ako sa kamay ko habang ginagamot ni Toby. Napapangiwi naman ako sa bawat dampi nito sa aking palad at ngayon ko naramdaman ang hapdi nito. Ngayon ko mas kailangan si Toby at sana lang ay hindi siya katulad ng kapatid niyang si Mint na tinalikuran na rin ako. He is all I have at handa niyang talikuran ang pamilya niya alang-ala lang sa’kin. Pinagmasdan ko naman siya at seryoso siyang nakatuon sa medyo may kahabaang sugat ko. Hinipan niya pa ito at tumaas naman ang isang kilay ko. Marami namang babaeng nahuhumaling sa kaniya pero ni isa ay wala pa akong nakitang nagustuhan man lang niya. Simula noong bata pa lang kami ay siya na ang parati kong kasama bukod kay Mint. He is adopted by Mints’ parents at tinuring naman siyang totoong kapatid ni Mint. But their father didn’t hav

