“At naisip mo bang hindi ka pagdududahan ng mga pulis, Ate?” taas-kilay kong sabi. Hindi man lang ako nasindak sa baril na itinutok niya sa amin ni Gavin. Galit ang nagngingibabaw sa ‘kin dahil sa nalaman kong siya ang may pakana sa pagkamatay ni Mama. Tinatantiya ko na ang distansiya naming tatlo upang hindi matamaan ang sinuman sa amin ni Gavin kung ipuputok nga ng baliw kong hilaw na stepsister ang hawak niyang baril. “Lahat ng kopya ng ebidensiya ay nasa pitong tao na ngayon. O sampu ba ‘yon, hard candy?” Napangiti ako kay Gavin nang matamis saka tiningnang muli si Ate Jen. “Kaya kung may mangyayari sa ‘min ni Gavin, ikaw ang pinakaunang dadamputin ng mga pulis at nasisiguro ko sa ‘yong hinding-hindi ka makalalabas ng kulungan kahit kailan.” “I hope I’m not included, Diletta.” Nap