“So, let us be clear here, rose grape. Whether you agree to be my girlfriend now or not, I’m all set. I’m gonna marry you in the near future.” Sumikdo ang puso ko sa sinabi ni Gavin at napakurap-kurap ako. “In the near future? Ang bilis mo yata. Hindi mo ba naisip na may mga pangarap din ako sa buhay, Gavin?” Hinawakan niya ang pisngi ko. “I know. Pero hindi ba puwedeng kasama ako sa pangarap mo? Because all this time, you’ve always been part of mine,” malumanay niyang saad. Aww… Touched naman ako agad. “Yati ka. Pinakilig mo ‘ko.” Napakagat-labi akong nakangiti. Napangiti rin siya at ninakawan pa ako ng halik sa labi. “So?” “Oo na. Girlfriend mo na ako. Panay na nga ang halik at haplos mo sa ‘kin, eh. Ano pa nga ba ang magagawa ako? Eh, gusto nga rin kita.” “I knew it. Hindi mo ri