Camel's Past Part 5 "Ma'am Kasa..." Hindi na tinuloy ni Teresa ang pagtawag kay Shaine dahil sinamaan sya ng tingin nito. Binuksan ni Shaine ang pinto ng driver seat at pumasok sa loob ng sasakyan. Ganun din ang ginawa ni Teresa sa kabila para makaupo sa front seat na katabi lang ng driver seat. "Shaine ang pangalan ko kaya iyon ang itawag mo sakin. Hindi mo na rin ako kailangan tawagin na 'Ma'am. Think of me as a friend or little sister." Napasandal sya back rest ng inuupuan at hinawakan ang manibela habang tamad na nakatutok ang mga mata sa labas. "Binigay ko na ang address ng apartment mo kaya simula bukas ay lilipat ka roon. Kailangan mo bantayan at bisitahin si Camel dahil iyon ang trabaho mo." Aniya nang hindi nya narinig ulit na magsalita si Teresa. "Gagawin ko ng maayos ang