Camel's Past Last Part ISANG taon na dumaan pero wala pa rin balita si Camel sa kaibigan nya na si Shaine. Gusto nya ito makita at kamustahin. Napahikab nalang sya dahil sa pagkabagot. "Apo, pakitingnan si Cyvan. Pupunta ako ng simbahan ngayon." Matagal na mahilig mag-simba ang lola nya kapag araw ng linggo lalo na nung buntis sya noon, kahit sabado ay pumupunta ito sa simbahan. "Lola, sasama ako sayo." Magaan na ang pakiramdam nya ngayon dahil nandyan ang lola nya na nagpapasaya sakanya. Sobrang mahal nya ito. "Kung sasama ka, dapat nakabihis ka na ngayon. Hindi ka pa nga kumakain ng agahan." Napanguso nalang si Camel. Pinanood nya ang lola nya na nagsusukay ng buhok hanggang narinig nya ang pag-ubo nito ulit. Ilang beses nya na nakita na inuubo ang lola nya kaya hindi nya maiw