Dumating na ang lunes at balik ulit ako sa trabaho. Pumasok ako sa kwarto ni Sir at nakita na nakahiga pa rin sya sa kanyang kama, mukhang tulog pa.
Bumaba ako para bumalik sa kusina. Naroon si Ate Nita at nagluluto sya ng pagkain.
"Ate Nita, matagal na ho ba kayo nagtatrabaho rito?" Tanong ko sakanya habang nakaupo sa high chair at pinapanood sya sa pagluluto nya.
Sa isang linggo ko na nandito ay ngayon ko lang sya nakausap ng ganito dahil nahihiya ako nung una at minsan, hindi ko na sya naabutan dito sa kusina dahil abala ako sa pagbabantay kay Sir.
"Kay Sir Haryl, tatlong buwan palang ako nagtatrabaho. Noon, kay Sir Henry ako nagtatrabaho at tumagal ako roon hanggang sa lumipat ako rito."
Ang pagkakaalam ko si Sir Henry ang panganay sa magkakapatid.
"Ayos lang ho ba sa inyo na lumipat dito?"
"Oo naman. Ang trabaho ko lang naman ay magluto." Napanguso ako.
Kinuha ko ang kutsilyo at chopping board para maghiwa ng ingredients. Hinayaan nya naman ako gawin 'yun. Minsan, tumutulong ako sakanya. Sinasaway nga nya ko nung una pero dahil sa gusto ko at mapilit ako ay sumuko rin sya sakin.
"Bakit ho hindi nalang kayo rito mag stay-in?"
"Malapit lang ang bahay namin dito, atsaka, ayaw ni Sir Haryl." Kinuha nya ang mga hiniwa ko para ihalo nya sa lulutuin na sopas.
Ngumiwi ako dahil ayaw na naman ni Sir Haryl. Ayaw nya ba maging masigla ang bahay na 'to? Oh well, sya naman ang may ari, hindi dapat ako makielam.
"Ate Nita, hindi ba kayo nagagalit dahil hindi naman inuubos ni Sir Haryl ang pagkain at madalas, tinatapon pa nya."
"Sanay na ko sakanya at wala rin naman ako magagawa. Ang trabaho ko lang ay magluto."
Hinintay ko maluto ang pagkain para ihatid na rin sa taas. Naamoy ko na ang luto ni Ate Nita, amoy masarap. Sana naman kumain ni Sir at ubusin nya 'to.
Sa pagtatrabaho ko rito ay libre ang pagkain ko pero minsan nakakalungkot dahil ako lang mag-isa ang kumakain dito sa kusina. Umuuwi kasi agad si Ate Nita.
"Camel, nagpaalam na pala ako kay Ma'am Hannah na simula bukas ay hindi na ko magtatrabaho."
"Ho?" Bigla ako umalis sa high chair dahil sa gulat ko sa anunsyo nya.
Luto na ang sopas at inililipat nya na ito sa bowl. Kinuha nya ang tray para ipatong doon ang bowl.
"Kailangan ko na bumalik sa probinsya namin dahil doon talaga ko galing. Gusto rin ng mga anak ko na umuwi ako roon." Lumungkot ang mukha ko sa narinig.
"Sino na ang magluluto?"
"Maghahanap pa raw sabi ni Ma'am Hannah. Pasensya ka na, Camel."
Malungkot ko hinatid ang sopas sa kwarto ni Sir. Gising na sya at nakaupo na naman sa paborito nyang pwesto habang tulala. Inilapag ko ang tray sa mesa at kumuha na rin ng gamot sa isang cabinet para inumin nya pero alam ko sa huli ay magiging display lang ito sa mesa.
Tahimik ako umupo sa single sofa. Aalis na si Ate Nita, wala na ko magiging kausap dito sa bahay. Mag-a-adjust na naman ako kapag may bagong tagapagluto na dumating. Nakilala ko naman ang mga housekeeper dito, dalawa sila naglilinis pero twice a week lang sila pumupunta at mukhang mahirap sila kausapin. May hardinero rin pero kapag nandyan na sa likod ng bahay, hindi na ko lumalabas o tinitingnan sya.
Napatitig ako kay Sir. Sana naman kumuha sya ng yaya rito sa bahay. Mayaman naman sila. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa mga iniisip.
'You are really different to other caregivers huh? because they could touch me to give me a help but you? You just wouldn't help!'
Bigla pumasok sa isip ko ang sinabi ni Sir. Kinukumpara nya ko sa mga dating nag-aalaga sakanya. Kung tinutulungan pala sya ng mga dating caregiver nya, bakit nya pinapaalis? May mga ayaw ba sya?
Napahawak ako sa noo ko. May kasalanan pa ko. Kasalanan ko dahil hindi ko kaya sya hawakan para tulungan. Nasabi nya ang mga salita na 'yun dahil siguro sa nagtataka sya.
"Si.. Sir, kumain na ho kayo. Uminom na rin kayo ng gamot nyo."
Hindi ako nagsasawa na sabihin iyon sakanya. Bumaling ang mukha nya sakin. As usual, blanko ang ekspresyon.
"Ah, Sir... Sorry ho pala sa nangyari nung sabado." Napayuko ako dahil parang nakatingin sya sakin kahit hindi naman talaga nya ko nakikita.
Wala akong natanggap na sagot mula sakanya. Ayos lang, atleast nag-sorry ako. Umangat ang ulo ko nang maramdaman na tumayo sya. Pinanood ko syang maglakad habang dala ang stick nya.
Dumaan sya sa harapan ko at pumunta sa mesa. Hinawakan nya ang upuan para umupo roon.
Tumayo na rin ako para pumunta sa tabi nya. Mukhang kakain na sya. Sana naman ubusin nya.
Habang nakatayo sa tabi nya ay pinanood ko sya na maingat kinapa ang mga bagay sa mesa para siguro malaman nya kung anong nakalagay doon hanggang sa hawakan nya na ang kutsara.
"Wala na kong gana." Tamad nyang sabi pagkatapos sumubo ng isang kutsara na may sopas.
Parang tumikim lang sya ng pagkain. Masarap naman ang luto ni Ate Nita, dahil kumain ako kanina. Umirap ako sa kawalan nang maalala na palagi pala syang walang gana sa pagkain.
"Dapat nyo ubusin ang pagkain kahit ngayon lang ho. Para makainom kayo ng gamot."
Bilang caregiver nya, kailangan ko syang pilitin na kumain at uminom ng gamot dahil yun ang nakakabuti sakanya. Pero kung yaya nya lang ako, hindi ko na sya pipilitin at hahayaan ang gusto nya.
Kumunot ang noo ko dahil kanina ko pa napapansin ang isang kamay nya na nakatagao sa bulsa ng pajama nya.
"I'll take the vitamin."
Nawala ang tingin ko sa isang kamay nya na nasa bulsa at nalipat yun sakanya.
"Pano ho ang gamot n--"
"Ang sabi ko, vitamin. Yun lang iinumin ko." Inis nyang sabi.
Inilahad nya ang isang kamay nya senyales na kailangan ko ilagay doon ang tableta ng vitamin. Gusto ko ilagay doon ang gamot para sa mata nya.
"Siguraduhin mo na vitamin ang ibibigay mo sakin. Alam ko ang lasa." Simangot nyang sabi.
Ngumiwi ako. Hindi ko sya pwede lokohin, yaik. Pero teka, alam nya ang lasa ng gamot ibig sabihin umiinom sya pero mukhang hindi regular. Shet, dapat araw-araw umiinom sya ng gamot dahil iyon ang sabi ni Ma'am Hannah. May sariling doctor din daw si Sir pero hindi ko naman alam kung kailan sya pumupunta rito.
Ibinigay ko ang gamot na gusto nya at ininom nya rin naman agad. Walang reklamo sya na tumayo pagkatapos uminom ng tubig.
Aksidente na lumabas ang isang kamay nya sa bulsa kaya nanlaki ang mga mata ko nang makita kung bakit nya iyon tinatago. Nakabalot sa puting tela ang kamao nya at bakas ang dugo roon.
Sa pag panic ko ay lumapit ako sakanya at hinawakan agad ang kamay nya na may puting tela.
"Sir, anong nangyari sa kamao nyo? Kahapon ho ba 'to? Kailangan na palitan ang tela dahil kumakalat ang dugo." Mabilis kong sabi habang sinusuri ang kamay nya.
Nagkasugat sya sa kamay noon dahil sa nabasag na bote pero maliit lang iyon, hindi ganito na may puting tela pa na nakabalot.
"Wag mo kong hawakan." Binawi nya ang kamay nya sakin.
Tinalikuran nya ko at ako naman ay napanganga. Sya naman ang ayaw na hawakan. Aaminin ko, naiilang ako nang hawakan ko sya pero dahil sa pag-alala ko ay nilabanan ko ang takot ko.
Lumapit ako sa telepono na malapit sa kama nya at tinawagan si Ma'am Hannah.
"Hello, Ma'am." May mga ingay na boses akong naririnig sa kabilang linya.
"Camelaine, may nangyari ba?"
"Ma'am, anong nangyari kahapon kay Sir? Dumudugo ang kamao nya." Mukhang nasa trabaho sya.
"Oh, shet. Pasensya na kung hindi kita natawagan tungkol dito. Sinuntok ni Haryl ang pader kahapon kaya ganyan ang kamao nya. Na-i-stress ako sakanya kahapon. Pakibantay baka may gawin ulit na makakasakit sakanya at pagamot na rin ang kamao nya." Nagmamadali nyang sabi.
"Ah, sige po, Ma'am."
Naputol na ang tawag. Nakakahiya, busy si Ma'am pero sinagot pa rin nya ang tawag. Pumunta ako sa bathroom at kinuha ang first aid kit.
"Sir, gagamutin ko ang kamay nyo. Baka lumala." Lapit ko sakanya.
Ipinatong ko ang first aid kit sa coffee table at dinala ang single chair na nasa mesa sa harapan nya.
"Hindi mo na kailangan gamutin. Mawawala rin naman ang sakit." Napatitig ako sa kamay nya na nasa kandungan nya. Lalong nahahalata ang dugo sa tela.
Walang pag-alinlangan ko kinuha ang palapulsuhan nya at ipinatong iyon sa handrest ng sofa na inuupuan nya.
"Ang sabi ko, wag mo kong hawakan. Ba't ang kulit mo!" Tinanggal nya ang kamay nya sa handrest.
Malalim ako napabuntong-hininga. Ahhh! Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ako makulit. Sya ang makulit!
"Sir, please lang, hayaan nyo ko gamutin ang kamay nyo, ok? Hindi mawawala ang sakit nyan kapag hindi natin gamutin. Kapag hindi kita tinulungan o hawakan, baka magreklamo ka. Pero ngayon, ayaw mo ko na hawakan ka?" Stress kong sabi.
Sumalubong ang dalawang kilay nya hudyat na naiirita sya sa mga sinabi ko. Bahala sya. Kinuha ko ulit ang kamay nya at ibinalik sa handrest.
"Nanginginig ang kamay mo. Takot ka. Tsk!" Nilapit ko ang kamay ko sakin.
Bumaba ang tingin ko at tama sya, nanginginig nga. Naramdaman nya 'yun dahil hinawakan ko sya. Pumikit ako at kinalma ang sarili sa pamamagitan ng pag-inhale, exhale.
Bukod na malapit ako kay Sir, ay nahahawakan ko pa sya pero siguradong wala syang gagawin sakin kaya kalma self. Si Sir lang yan.
"Takot nga ata ako." Tinawanan ko ang sinabi ko.
Medyo nanginginig nalang ang kamay ko at alam ko, mamaya ay titigil din. Ibinalik ko ang kamay ko sa paghawak sakanya at maingat na tinanggal ang bandage sa kamay nya.
"Kung takot ka sakin, pwede ka naman umalis." Napatigil ako sa ginagawa.
Bumaling ako sakanya. Walang bakas na galit o inis sa tono nya pero ramdam ko ang lungkot sa boses nya.
"Ayan ka na naman, Sir. Hindi nga ko aalis."
Tila relax sya na nakasandal sa upuan habang ang mukha ay nakabaling sa bintana na akala mo ay may tinitingnan sa labas.
"Mawawala rin ang awa mo sakin dahil magsasawa ka rin sa pag-aalaga." Pumikit ang mga mata nya.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib dahil sa bigat nyang sinabi. Matamlay ko binalik ang tingin ko sa kamay nya. Parang nasasaktan ako na marinig ang lungkot na boses nya, hindi ko alam pero nahihimigan ko rin ang sakit mula sa boses nya. Mukhang may matinding pinagdadaanan sya.
Hindi ako magsasawa na mag-alaga pero may mga bagay na kailangan itigil. Dadating din ang araw na titigil ako sa pag-aalaga sakanya kapag gumaling na sya o binago ang sarili nya.
Ipinagtuloy ko ang pagtanggal ng bandage sa kamay nya at nang matapos ko tanggalin ay doon ko nakita ang namamaga at sugat nya sa kamao.
Hindi ko alam kung tulog ba si Sir pero nagpaalam pa rin ako na kukuha ako ng maligamgam na tubig sa baba.
Akala ko hindi ko na makikita si Sir sa upuan nya pero pagbalik ko ay naroon pa rin sya at nanatili pa rin nakapikit. Nilapag ko ang planggana na naglalaman na maligamgam na tubig sa coffee table.
Inangat ko ang kamay ni Sir at inilagay ang towel sa handrest para patungin doon ang kamay nya.
Maingat ko sinimulan ang paglilinis ng kamay nya para mawala ang dugo. Gumalaw ang daliri nya nang di ko sinasadya na dinampian ang sugat nya. Shet.
"Sorry, Sir." Sumulyap ako sakanya.
Nakadilat na ang mga mata nya. Walang bakas sa mukha nya ang galit o irita. Hindi rin sya nagreklamo na masakit. Hinayaan nya ang ginagawa ko.
Sa itsura na nakikita ko ngayon sakanya ay parang may malalim na naman syang iniisip. Bumuntong hininga ako at tinuloy ang ginagawa ko.
Binuksan ko ang first aid kit at kinuha ang bagong bandage, gauze pad, at antibiotic ointment para sa sugat nya. Buti nalang kompleto ang gamit sa loob.
Pinahiran ko ang antibiotic ointment sa sugat nya at pagkatapos ay idinikit ang gauze pad doon. Malinis na tingnan ang kamay ni Sir. Binalot ko rin ng bagong bandage ang kamay nya para protektahan ang namamaga nyang kamao.
"Ayan, Sir. Wag nyo masyado galawin ang kamay nyo. Kapag may kailangan kayo, tawagan nyo ko." Paalala ko pagka bitaw ko sa kamay nya.
Tahimik ko niligpit ang mga gamit at kinuha ko na rin ang towel.
"Salamat." Napatigil ako at kusa nalang tumalon ang puso ko hanggang sa bumilis ang takbo nito.
Nilingon ko sya. Blanko ang ekspresyon. Hindi ako bingi kaya siguradong sinabi nya iyon. Nagkamali ba sya? Hala, bawal na bawiin.
"A-ano iyon S-sir?" Tanong ko para marinig ulit ang munting 'salamat nya.
Imbes na sagutin ako ay pumikit ulit ang mga mata nya. Halatang ayaw na nyang ulitin.
Napawak ako sa dibdib ko, bakit bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko? Kinakabahan lang ako diba? Atsaka medyo natuwa ako dahil nagpasalamat sya sakin. First time 'yun!
Simpleng salamat nya lang ay parang malakas na ang epekto sakin. Shet, natuwa lang ako ok?
Tinapos ko ang pagliligpit ng gamit at pagkatalikod ko ay nakita ko ang isang salamin. Doon ko nakita ang sarili ko na nakangiti.