Malapit na mag-alas dose ng tanghali at ayaw pa rin ni Sir na dalhan sya ng pagkain mamaya. Wala raw sya ganang kumain. Inis ako napakamot sa ulo ko. Bilang caregiver nya ay kailangan nya kumain. Madalas ko sya dinadalhan ng pagkain kahit minsan hindi nya pinapansin. "Sir, hindi ba talaga kayo nagugutom?" "Hindi nga. Bingi ka?" Inis ako napairap dahil sa sagot nya. Lumapit ako sakanya at napahalukipkip sa harapan nya. "Hindi ako bingi. Naririnig ko nga ang tunog ng tyan nyo, Sir. Nagugutom ka talaga." Kahit wala naman talaga ko naririnig. Sa sinabi ko ay nag-arko ang dalawang kilay nya hudyat na naiinis sya. "Inaasar mo ba ko?" Bumaba ang mga kamay ko sa paghalukipkip at napangisi. Buti nalang, di nya ko nakikita. "Hindi, Sir. Concern lang ako sa kalusugan nyo. May bago kayong mga