Pinayagan ako ni Ma'am Hannah na hindi muna pumasok sa trabaho bukas nang tumawag ako sakanya, pero kailangan ko pa raw magpaalam kay Sir. "Sinabi mo na ba kay Sir Haryl na hindi ka papasok bukas?" Pukaw sakin ni Ate Bidang. "Hindi pa eh," Pagkatapos umalis nila Sir Herald kahapon ay naging tahimik ulit si Sir Haryl. Hindi naman sya nagsalita tungkol sa nangyari kahapon, yung tungkol sa pag-uusap namin dalawa. Dinalhan ko rin sya ng pagkain kanina at wala naman ako narinig na reklamo mula sakanya. Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Sir bago pumasok sa loob. Nasanay na ko kay Sir sa madalas nyang ayos. Nakapikit sya na nakaupo sa isang single couch habang nakasandal ang likod. Tulog ba sya o gising? Huminga ako ng malalim. Tahimik ako umupo sa madalas ko rin upuan. Tiningnan ko si Sir.