Tatlong araw. Tatlong araw na malamig ang trato sakin ni Sir Haryl, actually lagi naman. Sa tuwing tinatanong ko sya ay hindi nya ko sinasagot. Ang tahimik nya minsan. Nagsasalita lang sya kapag may kailangan o inuutusan ako. Nakakairita! Binibigay ko na rin sakanya ang gamot na sinasabi ni Doc Dyson pero hindi ko alam kung iniinom nya dahil pinapaalis din nya ko agad sa kwarto. "Camelaine?" Napatayo ako sa upuan nang marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. Lumapit ako sa pinto ng closet dahil nasa loob sya. "May kailangan po ba kayo?" Hindi ako pumasok sa loob dahil baka nagbibihis sya. Ngayong araw, ang pagpunta namin sa ospital. Masaya ako na pumayag din sya sa gusto ni Doc Dyson. "Pumasok ka rito." Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nakatayo sya sa harapan ng cabine