Tahimik ang buong pasilyo rito sa floor na kinatatayuan ko ngayon. Lumabas na ko ng office ni Doc Dyson kanina dahil nakakabagok roon na maghintay. Inilagay ko ang dalawang siko ko sa barandilya para makasandal. Mula rito ay nakikita ko ang view sa labas dahil gawa sa salamin ang dingding. Pinapanood ko ang mga tao na naglalakad sa baba at ang mga sasakyan na umaandar sa kalsada. Natigil ang panonood ko nang mapunta ang tingin ko sa logo ng ospital at pangalan na nasa tabi nito. Suarez Medical Ospital. Maluwag at malaki ang ospital, meron din itong 12th floor. Ang pagkakaalam ko, ito ang main hospital nila. May dalawang branch pa sila ng ospital sa visayaz at mindanao. Sobrang yaman nila Sir. "Nandito ka lang pala, Camelaine." Nawala ang pagkatulala ko sa pangalan ng ospital dahil sa b