SAKAY ng taxi si Cyrhel na tumigil sa guard house. “Ma’am, ID please.” Agad na iniabot ni Cyrhel ang ID niya saka siya tinalikuran ng guard at may tinawagan. “Pasok na ho kayo, ma’am.” “Thanks.” Pagtigil ng taxi ay siyang labas ng mag-asawang Dave at Trisha. Agad siyang nagbigay-respeto sa mga ito. Humalik siya sa pisngi ni Dave at si Trisha ay agad siyang niyakap saka iginiya papasok ng bahay. “Inday, puntahan mo si Tris sa kuwarto niya at baka gising na.” “A-Ako na lang ho, t-tita.” “O sige, hija, mabuti pa nga. Inday, ihatid mo ang Ma’am Cyrhel mo.” Nagmamadaling umakyat ng hagdan si Cyrhel, sabik na sabik na siyang makita ang anak. “Ma’am, dito po ang kuwarto ni Tris.” “Sige, salamat. Iwan mo na ’ko.” Dahan-dahang itinulak ni Cyrhel ang pinto. Nalaglag agad ang luha niya nan