“ANAK, ikaw na ang pumila sa barangay. Ngayon ang schedule ng mga relief goods. Para naman makilala ka rin ng ibang tao dito sa lugar natin. Mula nang dalhin ka dito ng mommy mo ay hindi ka lumalabas. Sige na, anak, masakit ang rayuma ko.” “Naynay, hindi ko po alam ang lugar na ’yon, eh. Saka ano po ba ’yong mga relief goods na ’yon?” “Kada buwan ’yon dumarating dito, anak. Galing daw iyon sa isang mayamang may mabuting puso. Mga pagkain at damit ’yon.” “Sige po, Naynay, makikisabay na lang ako sa kapitbahay.” Nagpilit na tumayo ang may-edad na babae para magtungo sa bintana. “Corazon, tutungo ka ba sa barangay? Isabay mo ang anak-anakan ko dahil hindi ako makapaglakad ngayon. Siya na muna ang kukuha ng para sa amin.” “Sige, Mila. Sabihin mo aalis na kami ngayon para makauna sa pila.