POLITICS' DIRTY GAMES: THE MAYOR ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ ◉ "Nandito na lahat ng kailangan mo, mayora. Pwede mo na siyang kasuhan ng oral defamation sa ginawa niya kahapon sa isang meeting." "Where's the fun in that? Sa susunod na lang natin siya kakasuhan kapag hindi na maganda ang mood ko sa kanya." Binuklat ko ang ibinabang folder ng sekretarya ko at nagpakuha na rin ng kape. Kapag nga naman may pera ka, madali na lang ang bagay-bagay sayo. Hindi naman ako biniyayaan ng masyadong talent, meron naman akong perang pang-bayad sa mga taong talented. Okay na 'to. Nobody is clean when it comes to this game we are playing. Kaya naman bakit ka magpapaka-santa sa kabutihan kung lahat naman sila gagaguhin ka? Mabait ako pero hindi ako mabuti. Lalo na kung kakalabanin nila ang pinaniniwalaan kong t

