ERICA "I CAN'T believe your twin sister can do that. Ni hindi man lang siya nagsabi na ganoon na ang buhay niya. She left without even saying a word to us. No goodbye." Dismayadong umupo si mommy sa sofa at sunod-sunod na nagpakawala ng hangin sa bibig. Malapad akong napangiti dahil naging matagumpay ang naisip kong paraan. I called Arnold's number and told him to go to my adoptive parents. Pinakausap ko ang naging mama ko sa Baguio kay mommy upang magsinungaling dito. Pero bago sila nag-usap, nagka-usap muna kami. Sinabi ko na kailangan niyang magsinungaling upang hindi masira ang plano at lahat nang pinaghirapan ko. I told her to say na umalis na ng bansa si Erica dahil nakahanap ito ng asawa at doon nila napagdesisyunang manirahan. Mukha namang naniwala agad si mommy kaya hindi ko na