EMILY/SCARLETT HINDI ko na alam ang ginagawa ko ng mga sandaling iyon. Magkadikit pa rin ang mga labi namin ni Steven. Mayamaya pa ay nagsimula itong galawin ang mga labi kaya wala akong nagawa kundi sagutin ito. Napapikit ako dahil sa nararamdaman ko. I tried to pushed him away from me pero parang may pumipigil sa akin. Parang may bumubulong na hayaan ko lang si Steven na halikan ako. Kahit halos habol ko na ang paghinga ko, hindi ko pa rin magawang humiwalay sa lalaki. Aaminin ko, na-e-enjoy ko na ang ginagawa naming dalawa. I don't why I let this happen. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Mayamaya pa ay humiwalay si Steven sa akin at ibinaba ako sa aking kinauupuan. Sinunggaban nito ang mga labi ko at wala na naman akong nagawa kundi sagutin na naman ito. Segundo lang yata ang it