EMILY/SCARLETT "AYOS ka na ba, Steven? How's your stomach? Masakit pa rin ba?" sunod-sunod at nag-aalala kong tanong nang makalabas si Steven ng banyo. Steven smiled at me before he walked towards the living room. I shrugged then followed him. Nang pareho kaming makarating sa sala, tahimik na umupo si Steven sa sofa habang yakap-yakap pa rin ang sariling tiyan. Nag-angat ito ng tingin sa akin habang may ngiti pa rin sa mga labi. "I am fine, Scarlett. You don't need to worry about me because I am really fine. You have work, right? Bakit hindi ka pumasok?" I sighed. "Paano ako makakapasok kung ganiyan ka? Kaninang umaga ka pang ganiyan, Steven. It's already afternoon, pero ni hindi man lang kumalma iyang tiyan mo. Pabalik-balik ka lang sa banyo," tugon ko bago umupo sa harap ni Steven. "