EMILY/SCARLETT "WHAT do you think you're doing? Bakit mo hinaharang ang kamay mo sa bibig ko? Alisin mo nga iyan!" iritado kong sambit habang masamang nakatingin sa mga mata ni Ryan. He did what I said, but I was surprised when he took the glass in my hand. Marahan nitong ipinatong sa harap ko ang cocktail ko bago bumuntong-hininga. Sandali pa ako nito tiningnan bago tumingin nang diretso sa may bartender. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko ng mga sandaling iyon. I was totally in shocked. Tapos siya, umakto na parang wala lang. So anong purpose niya nang pagharang niya ng kamay sa bibig ko at pagkuha sa cocktail na iinumin ko sana? Baliw na ba siya? O sadyang nababaliw na siya? "Tapatin mo nga ako, baliw ka na ba talaga, Ryan? What do you think you're doing, huh? Sa tingin mo, tama