EMILY/SCARLETT "...JUST be safe, Emily. Kung pakiramdam mo ay may mali na, humingi ka kaagad ng tulong. But if I were you, mananatili muna ako kina mama." "I will, Ate Eloisa. You don't need to worry about me, okay? Sa tingin ko naman ay hindi na babalik iyong taong iyon. Takot niya lang at baka this time, mahuli na siya..." tugon ko kay Ate Eloisa na kasalukuyan kong kausap mula sa telephono. "Malapit na ako sa boutique, Ate Eloisa. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap." "Sige. Mag-ingat ka." Hindi ko na ito sinagot. Pinatay ko na ang tawag sa pamamagitan nang pagpindot ng button sa suot kong earpiece. When I finally arrived at my boutique, I parked my car in the parking lot. Kinuha ko ang cellphone ko sa may dashboard at lumabas kapagkuwa'y kinuha ang earpiece na suot ko at ibinulsa iy