KABANATA 92

1153 Words

EMILY/SCARLETT "ERICAAAAAAAAAA!" Halos umeko sa kinalalagyan namin ang pagpalahaw ni Erich matapos humandusay si Erica sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ng mga sandaling iyon habang nakatanaw sa nakahandusay na katawan ni Erica. Naestatwa ako. Sinubukan kong humakbang patalikod ngunit hindi ko magawa. Pakiramdam ko'y nalunok ko ang aking dila dahil ni isang tinig mula sa aking bibig ay walang lumalabas kahit gulat na gulat ako sa aking nasaksihan. Gustuhin ko mang umatras ngunt tila'y may kumokontrol sa akin. "Hayop ka! Pinatay mo ang kapatid ko! Pinatay mo ang kambal ko!" sunod-sunod na sigaw ni Erich bago ito gumapang palapit sa katawan ng walang buhay na kambal. Sinubukan itong pigilan ni Ryan ngunit hindi nagpapigil si Erich at kahit delikado, nagpatuloy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD