EMILY/SCARLETT "WELCOME back, Ma'am Scarlett!" Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa boutique ko ay sinalubong na agad ako ng mga staff ko. Malapad akong ngumiti at naglakad palapit sa kanila. May pa-tarpaulin na naman sila. I remembered what they did before. Iyong panahong kakabalik ko lang din dito from America. Mainit nila akong sinalubong. May pabulaklak na naman sila ngayon. So sweet. When Amy handed the bouquet of roses on me, I immediately took it with a smile on my face. "Kayo talaga, nag-abala pa kayo. Pero salamat dito. Thank you for the warm welcome and thank you for this roses also." "Naku, wala po iyon, Ma'am Scarlett. Hindi po kami magsasawang i-welcome kayo dahil ikaw po ang reason kung bakit minamahal namin itong trabaho namin. Tinulungan niyo po kami nang sobra, Ma'am