“ANAK, intindihin mo na lang ang sarili mo riyan. ‘Wag mo kaming kaisipin dito,” anang daddy ni Tanya habang kausap niya ito sa kabilang linya ng telepono. “Okay lang kami ng mommy at mga kapatid mo.” “Dad, I really miss you,” aniya rito sa himig na sobrang na-mi-miss ang ama. Masaya siya na maayos na ang kalagayan ng kaniyang ama matapos itong maospital. “I miss you too, anak. Basta nasa poder ka ni Karzon, alam kong nasa maayos kang kalagayan. Panatag ang loob ko. Kaya masaya ako na okay na kayo ng asawa mo ngayon at hindi mo na itinuloy pa ang pag-alis mo.” “Dad,” bigkas niya. Gustong-gusto niyang ungkatin dito ang ikinuwento sa kaniya ni Karzon. Pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili. “Thank you for everything,” sa huli ay wika na lamang ni Tanya. “Hinihintay ko ang weekend para