HABANG NAGSASALO sa isang mainit at makapugtong-hiningang halik sina Prix at Ayah ay lihim pang nakikiramdam ang dalaga kung pipigilan na naman ba ni Prix ang sarili sa pagkakataong iyon? Ngunit nagpatuloy lang ito. Lalo na sa pagdama sa kaniyang katawan. Sa isip niya ay napangiti siya. Ngiting tagumpay dahil mukhang tuluyan na niyang natibag ang pader na pilit nitong inihaharang sa pagitan nila. Wala siyang karanasan sa ganoong bagay. Ngunit kung siya ang papipiliin, mas lalong ayaw niyang maranasan ang lahat ng iyon sa lalaking ni hindi niya natitipuhan. Ayaw niyang mauwi lamang ang lahat ng kaniyang pag-iingat sa sarili sa isang Caleb Consunji. Hinding-hindi siya makakapayag. At mas lalong ayaw niya na mapunta lang kay Caleb ang huling halakhak kapag nalaman nito na ito ang makakaun