Nakiusap ako sa lalaki na kung p’wede sana ay huwag na niya akong kausapin pero hindi yata siya nakikinig. Muntik na naman niyang hawakan ang aking braso. Mabuti na lang at naalala niyang masasaktan lang ako pag gagawin niya iyon. Nakahinga ako ng maluwag nang iatras niya ang kanyang kamay ngunit talagang tuso si Jacob. Sa kabilang braso naman siya humawak. “Ano ba? Di ba, sinabi ko na sayo na mabuting hindi na lang tayo mag-uusap?” "Gusto mo rin ba siyang saktan?" Tanong niya. Umiling ako dahil hindi ko rin masabi sa kanya ang mga plano ko. Delikado, kung tutuusin, magkamag-anak sila. “Matagal ko na siyang sinaktan, Jacob. Matagal na,” sabi ko. “Bakit ba palagi mong sinisisi ang iyong sarili, Nat? Una sa lahat, alam niyang hindi na siya ang iyong mahal pero pinilit ka pa rin niyang

