Makalipas ang ilang buwan, kampante akong naninirahan bilang future single mom. Iyong kinita ko sa pagbinta ng apartment ay ginamit ko upang makapundar ng bahay. Pagkatapos ay naghanap ako ng trabaho. Mabuti n alang ay ini-refer ako ni Kylie sa isang kakilala nito na nangangailangan ng accountant. Hindi ganoon kalaki ang sahod pero p’wede na rin. Isa pa, masayang kasama ang mga aking mga katrabaho. Para lang kaming isang buong pamilya sa loob ng opisina at gusto ko iyon. Noong maliit pa ang tiyan ko ay hindi pa masyadong halata ay lagi akong umuuwi sa bahay ng aking mga magulang, ngunit kalaunan ay hindi na muna ako nagparamdam doon. Alam ko kasi na madi-disappoint lang sila sa nangyari sa akin. Isa akong matalinong babae, may pinag-aralan, at matakutin sa Diyos. Sa totoo lang ay hindi k

