When we got off, we can clearly see nothing. As in walang tao sa labas. Walang makikitang pagala-gala, walang bumibili, walang bukas na tindahan. Mistulang ghost town ang lugar na kinagisnan ko. "Is this the right place, Akesia?" tanong sa akin ni Eli. Tumango naman ako, "Yeah, although walang katao-tao eh ganoon pa rin naman ang mga istratura." "Para namang nakakakaba dito. You know, para tayong nasa rpg game na horror. Ghost town eh nakakapanindig balahibo." Sambit naman ni En. I silently agreed. Mukha ngang horror ghost town itong lugar na kinagisnan ko ngayon. Naglakad pa kami ng naglakad at nang may makita kaming tao ay kaagad naman kaming lumapit sa kanila. Check point? What's the point of this? "Saan kayo pupunta?" tanong ng naka-uniporme na lalaki. Sundalo ata ito pero ib