Tumatakbo na natanaw namin si Professor Hun at halatang excited na excited sya sa mukha nya at talagang masaya pa syang tunatakbo. Hindi nya kami kaagad napansin kaya nang makita nya kami ay kaagad namang napakunot ang noo nya. Napansin nya si kuya kaya naman binati niya ito. Take note ah si kuya lang! Iba din itong professor na ito. Halatang walang galang sa iba at sarili lang ang iniisip. "Head, magandang gabi po." Tinanguan lang naman sya ni kuya. Attitude din tong kapatid ko ah. Charot. "May problema po ba?" Seryoso namang tumingin si kuya kay Professor Hun at ramdam na ramdam ko ang kaba na nararamdaman nya ngayon na kaharap nya si kuya. He knows how heavy my brother's words. "Sa iyo ito?" tanong ni kuya at tinuro ang truck. "Po?" "Yung laman nito sa iyo ba?" paglilinaw naman