What the f? Mamamatay? Sino ang papatay kay Eros?
"Could you please shut your fuckin mouth?"
"Oh dear Eros we all know your underhand betrayal towards our group. Anong akala mo hindi namin alam?"
Their group?
Naramdaman ko ang paghawak ni En sa kamay ko at ramdam na ramdam ko ang kaba nya na dumadagdag pa sa kaba ko.
"What do you mean?"
"Akala mo ba hindi namin alam na may ginagawa ka behind our back? Of course, anong akala mo sa amin tanga?"
"Hindi ko alam sinasabi mo."
"Maang maangan? Oh well dyan ka naman magaling eh. Anyway, mamamatay ka rin naman kasama nung dalawang iyon."
Kami ba ang tinutukoy nya? Anong ibig nyang sabihin?
"Don't touch them Riwel."
Riwel? That is not bak's real name! Who the heck is this man? Bakit sya nagpapanggap na si bakla?
"At bakit naman hindi?" I can feel his sarcasm. "Oh right you have feelings for one of the two. Am I right?"
"No. You're wrong."
"Okay sabi mo eh. Anyways, mamamatay ka na dito."
Hindi ko alam pero parang kusang gumalaw ang mga kamay ko para humanap nga kahit na ano at kusa na rin itong gumalaw na parang may sariling buhay.
Ibinato ko ang nahawakan kong malaking bato sa lalaking nagngangalang Riwel at narinig ko naman ang mura nya.
"What the f**k? Sino nandyan!"
Hindi ko alam kung anong meron sa sarili ko ngayon dahil wala naman akong command sa sarili kong katawan pero kusa itong gumagalaw! Parang hindi ako ang may kontrol!
Anong nangyayari? Ayokong lumabas sa pinagtataguan ko pero bakit ako lumabas?
"Oh little rabbit. You're here pala." Riwel said.
"The f**k! Eli run now!"
"Sorry but I am not Eli this time." I said.
But I am not that one!
Hindi ako ang nagsalita! I know because it is not my voice!
"Hello everyone sorry to bother you but I can't let this kid die." I said- no I did not said that!
"Anong akala mo sa amin Eli maloloko mo kami sa kunwaring sinasaniban? Alam namin na may voice changer device hindi mo kami maloloko." Riwel said.
Pero hindi naman talaga ako yan! Hindi naman talaga ako ang nagsasalita!
Totoong sinasaniban ako!
Oh goodness! Hindi ko alam na totoo at pwede pala itong nangyayaring ito.
"Nasa saiyo kung maniniwala ka o hindi na hindi ako si Eli pero totoong hindi talaga ako si Eli. Bahala kayo problema nyo yan."
"Kung hindi ikaw si Eli, sino ka?" tanong ni Riwel.
"Sino ako? It's a secret and no one will know not until my mission is over."
"The f**k! Which team are you?!"
"Team? Well, it is well known but I better not tell to anyone about that."
"Your english is good. You must be one of the best."
"Of course, I am second to no one here. Not anyone can surpass me here."
"Sino ka ba talaga?"
I chuckled, no I mean yung nag occupy ng katawan ko.
Shitness! Ano ba tong nangyayari?
"Let's have a question and answer portion. I'll ask you a question and you will answer it honestly and vise versa. Once you lied to me then you're dead."
Riwel laugh, "Fine. As if naman malalaman mo kung nagsisinungaling ako o hindi."
"I can feel it Riwel. I have this instinct that can feel whether it is right or wrong."
"Whatever." said Riwel.
Hindi ko man gusto ang nangyayari ngayon sa katawan ko pero gusto kong malaman ang totoo.
Gusto ko malaman kung bakit hindi sya si Riwel? Bakit gusto nyang patayin si Eros? Si Eros ay si Eros ba talaga?
May mangyayari ba sa amin na hindi maganda kapag nalaman namin ang totoo?
So many question in my head and I hope he will answer it all.
"So.." My other self first said, "Who really are you?"
"I am Riwel, the real bakla of the family. Ay hindi lang pala ako may isa pa kaso masyado syang napasarap sa pakikipag kaibigan so... we detained him. My turn, who are you?"
Detained?
Nasan na si bakla?
"Kes is my name and not from here."
"What the f**k! Bakit ang ikli ng sagot mo? Ang ayos ayos ng sagot ko tapos ganyan isasagot mo sa akin? Gusto mo ba mamatay?"
Tumawa naman ako, oh di pala ako. Ano ba dapat kong sabihin? "Totoo naman eh Kes is my name and hindi talaga ako taga dito. Sabihin na lang natin na I came from the outside of this barrier."
Barrier?
"What do you mean?"
"Ow, sorry but I am not done yet. Hindi pa ako nagtatanong so it is still not your turn." Seryosong sabi ng sarili ko. "What is this place?"
"Aba malay ko kung ano ang lugar na ito. Hindi ko rin naman alam."
Para akong nakaramdam ng hindi paniniwala.
"Lies."
"Lies? Hahaha nagpapatawa ka ba?"
"No hindi ako nagpapatawa. Alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi. My turn."
"Your turn? Hindi pa ako nakakapagtanong!"
"Nagtanong ka na. Dalawa pa nga eh. Lies? Nagpapatawa ka ba?" Tapos tumawa ako.
"Tanong ang mga iyan."
"You..."
"So, my question is. What is this place again? No more lies or else I will do something na hindi mo magugustuhan."
He smirk, "Hindi ako natatakot sayo. Fine, since mamamatay ka rin naman edi sasabihin ko na. Yes, this place is just a fecade. Hindi totoo ang mga nasa lugar na ito. Mga puno at prutas? Nah hindi totoo ito dahil tinatago lang ng lugar na ito ang village mula sa labas."
Tinatago? Bakit?
"Okay, your turn." I told him.
"Kung hindi ikaw si Eli anong relasyon mo sa kanya?"
"Wala kaming relasyon. It's just that I have to protect her kasi alam kong may importante syang papel sa lugar na ito. While you, you are just a pawn of someone." I sarcastically said.
Wait, hindi ako nagsabi nun!
"You.. Hindi ako pawn!"
"Sabi mo eh."
"You..."
"Okay my turn. Bakit gusto mong patayin ang lalaking to?"
"Eli..."
"Eros right? Once again, hindi ako si Eli."
"Dahil sa isa syang traydor. Inutos sa akin na patayin sya kaya dapat talaga syang patayin."
"So pawn ka talaga."
"No! Bakit ba hindi ka nakakaintindi?"
"Paano ba naman kasi may utos kang sinusunod. Okay my turn."
Narinig naman namin ang mahinang tawa ni Eros at dahil doon narealize naman ni Riwel kung bakit.
"Walang patutunguhan tong usapan na ito. You will die!" at tinutok sa akin ang baril.
Siguro kung ako ang totoong nasa katawang ito baka nanginig na ako sa takot dahil sa nangyayari ngayon pero hindi!
Hindi ako ang may ari ng katawan ko ngayon!
Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko alam kung paano ko nagawa yun I seem so professional!
Bigla na lang bumagsak si Riwel sa harapan namin at tumatagas ang dugo mula sa kanyang noo.