***LEREN’s POV*** Wala na kaming kibuan ni Kent habang daan. Hindi ko na siya kinulit dahil napapansin ko na malikot pa rin ang kanyang mga mata sa mga side mirror. Naisip ko na kailangan niya ng konsentrasyon at baka biglang sulpot na naman ang mga gustong pumatay sa amin. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit gusto kaming patayin ng mga EXODUS? Napasulyap ako sa naka-side view na guwapong mukha ni Kent. Bakit kaya siya hinahabol ng mga galamay nina Zrion? Nang humimpil ang kotse niya sa isang gasoline station ay napalinga-linga ako. “Malayo pa ba tayo sa kinaroroonan ni Zrion?” hindi ko na natiis na tanong nang hinihintay naming matapos ang kanyang ipinagasolina. Sinamantala ko ang pagkakataon. “Hindi ko maaaring sabihin dahil baka may hidden microphone na nailagay rito sa kot