***LEREN'S POV*** Napabalikwas ako ng bangon nang tinampal ako sa mukha ni Xalene. "Aray ko naman!" angal ko sa kanya. "Halatang gising ka na kasi pero ayaw mo pang bumangon diyan!" dahilan niya. "Napuyat ka ba, Leren? Sabihin mo, pinahihirapan ka ba ng amo mo dito?" concern na tanong naman ni Corinne. Patawarin, magkasama nga talaga ang dalawa. Kumusta na naman ang dalawang araw ko nito? "Subukan mong humiga ulit!" Hinila ni Xalene ang kumot ko nang akmang itutumba ko ulit ang katawan ko sa kama. Napaungol ako. Itong dalawang ito talaga, ang papanget na nga ng mukha ang panget pa ng timing. Kung kailan gusto kong humilata maghapon saka mga dumating na istorbo. "At bakit mag-isa ka lang dito, babs? Nasaan na iyong dalawang lalaki na may mga pandesal sa tiyan na nakita ko noong v