***LEREN's POV*** "Akala ko ba hindi ka magpapakita? Ano 'to? Bakit nandito ka?" Nakataas ang isang kilay ko na interrogation ko na kay Doc Zrion nang nasa kuwarto na niya kami. Puwede nang talian ang nguso ko sa pagkakasimangot. Naawa kasi talaga ako kay Kent. Ano naman iyong kahit plastik lang sana na ipapakita niyang masaya siyang makilala ito? Hindi ganoon na masamang tingin pa ang ibinati niya sa kababata ko. "Do I have a choice? Alangang hahayaan ko lang na pormahan ka ng Kent na iyon?" "So, sinasabi mo ba na wala kang tiwala sa 'kin?" "WALA!" mabilis na sagot niya. Lalong sumama ang timpla ng mukha ko. Kulang na lang ay umusok ang ilong ko. Ipamukha ba naman sa akin na hindi ako katiwa-tiwala. Aba! "Ang problema kasi puros ka selos," paninisi ko naman sa kanya sabay halu