***LEREN's POV*** Habang hawak at tinititigan ko ang company ID ni Kuya ay dumagsa ang realization sa isip ko. Na noong namatay si Kuya, iyon din nga pala ang mga araw na na-kidnap sina Zrion. Na noong nabanggit ko kay Zrion na kapatid ko si Rain Guzman, bigla na lamang naging mabait siya sa akin. At noong bago ko isinuko ang virginity ko sa kanya, nakapagtataka na humihingi siya ng tawad sa akin. Bahagyang naningkit ang mga mata ko. Sinisikap na huwag umiyak. Pakiramdam ko'y naitulos na ako sa aking kinatatayuan. Ang aking pagtataka ay nahalinhinan na ng matinding kaba. Parang binabayo ang aking dibdib. May... may kinalaman ba si Zrion sa pagkamatay ng kapatid ko? Diyos ko. Namumula sa nagbabadyang mga luha ang mga mata ko. Horrible is an understatement upang ilarawan ang hitsura k