***LEREN's POV*** Maasim ang mukhang nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan. Hindi talaga ako sure kung tama ang desisyon kong pag-stay-in si Kent dito sa villa. Ilang beses ko pa kinausap ang sarili ko bago ko napaniwala na tama lang siguro. Hindi rin naman ako tatantanan ng konsensya ko kung sakaling papaalisin ko siya at may mangyaring masama sa kanya. Para wala na akong puso kapag gano'n. Baka isumpa din ako nina Kuya Rain. "Tabi! Tabi! Ang init nito!" si Corinne. Dala-dala niya ang niluto niyang sopas na meryenda namin. Sakto sa malamig na ulan. Agad na tumayo si Kent at tinulungan siya. "Thank you, Kent," pabebe naman ni Corinne. Napatitig ako sa kanila. "Oy." Bahagyang siniko ako ni Xalene. "Bakit?" painosente ko. "Selos ka?" pabulong niyang tanong. "Tumigil ka nga,"