***LEREN’s POV*** Nagising si Zrion sa mga mahihinang hikbi ko. “What’s wrong?” pupungas-pungas niyang tanong kasabay nang kanyang pagbangon. Umiling ako’t isinubsob ko ang mukha ko sa yakap-yakap kong mga tuhod ko. Kanina pa ako gising, mga alas-kuwato ng umaga, at ngayon ay nakaupo ako sa ibabaw ng kama naming mag-asawa. “May nararamdaman ka ba? Tell me, do you feel any pain?” “Wala nga,” pagsusungit ko sa gitna nang paghahagulhol ko. “Eh, bakit nga? Bakit ka umiiyak?” Kinabig na niya ako at niyakap. “Hindi ko alam,” pag-amin ko naman. “Basta naiiyak na lang ako nang pinapanood kitang natutulog.” At kahit hindi ko kita, alam ko na napangiwi siya. “Bakit naman?” “Ang sama-sama ng loob habang nakikita kitang humihinga,” sabi ko. Bahagya niya akong naitulak. “Syempre naman kail