***LEREN's POV*** Ang buong akala ko ay handa na akong makita ang mukha sa likod ng maskara ni alyas Solomon. Isang maling pagkakamali ko pala. Kanina pa ako nakatitig sa napakaguwapo niyang mukha sa computer pero hindi ko magawa-gawang tanggapin ang katotohanan. Pakiramdam ko pa rin ay naging bato ang buong katawan ko. Naninigas pa rin ako. Nanlalamig. Hanggang isang munting butil ng luha ang hindi ko napigilang tumakas na sa aking mga mata kasabay nang pagkuyom ng mga kamao ko. Halos bumaon ang mga kuko ko sa mga palad ko. F*cking s**t, hindi lang pala ako ginawang tanga ni Zrion, ginawa rin pala niya akong bobo. Pinaikot sa kanyang mga palad. Pinaibig, para ano? Para kung darating ang panahon na ito ay basta-basta ko na lang kakalimutan ang lahat kasi nga mahal ko na siya? "Aahhh