After 3hrs. "Pwede na kayong bumalik. Magpahinga na kayo, bukas na ulit kayo maglilinis," aniya ni Nay Lydia. "Opo nay," sagot namin at sabay sabay na nagbow. Lumakad na kami palabas habang nakasunod sa mga kasama ko ay napalingon na naman ako sa likuran ko kaya nakita ko ulit si Nay Lydia na nagsasara ng pinto. Parang hindi niya sinusian. Napailing ako at sumunod sa mga kasama kong pabalik ng Monet mansyon. Habang papasok sa pinto ay napansin ko na dumilim na ang langit. Napaangat ako ng tingin sa ulap. Makulimlim, at tiyak kong uulan ng malakas. Pagbalik namin sa Monet mansion ay saktong kumulog, kaya ang mga kasama ko ay napasigaw at nagmadaling umakyat sa hagdan pabalik sa kani-kanilang kwarto. "Ay!" "Ahh!" "Ay!" sunod-sunod nilang sigaw. Ako naman ay napatakip ng tenga. "Mina