******************* "Master paakyat na po dyan ang auntie at mga pinsan mo," sambit ni manang sa kabilang linya. "Ok manang thanks." Pagputol ko ng tawag ay sakto namang may kumatok sa pinto. "The monster is here." Tinungo ko agad ang pinto para buksan. Pagbukas palang ay nakita ko na ang nakasimangot na mukha ni Auntie, nasa likod naman niya si Apollo at Aeolus. "Come in." Hinawi ko ang pinto para makapasok silang tatlo. Naupo agad sa mahabang sofa si Auntie at ang dalawa ay nakatayo lang sa gilid nito. "You always meet me here in this library, bakit ayaw mo akong papasukin doon sa opisina mo?" nakasimangot niya sabi. Sa tono palang ng boses niya ay halatang galit na siya. Kahit naiinis ako ay pinilit kong pakalmahin ang sarili. "It's not my office. It's my dad office,"