"SIGURADO ka bang okay ka na, wifey? Aba'y kahit naman gustong-gusto kong magkaroon tayo ng love making kung hindi pa kaya ng katawan mo ay wala akong magagawa." Paninigurado ni Patrick Niel sa asawa. Isang linggo na naman ang matuling lumipas. Sa loob ng mga araw na iyon ay unti-unti nang nanumbalik ang dating pangangatawan ni Leona. Aba'y naging personal doctor na rin niya ang general surgeon na asawa. Naging baby pa nga siya nito. "Well, well... Walang mawawala sa akin kung ayaw mo, hubby. Ikaw din, patapos na ang tourists visa mong pumarito. Babalik ako sa trabaho at tatanggapin ang panibagong assignment mula kay Sir Panot. Sa Lebanon naman daw." Pang-aasar pa nito sa kaniya. "Aba'y iyan ang hindi puwede, leona ko---" "Kung ganoon ay simulan na natin, lampa ko. Aba'y kanina pa nag