KASABAY nang pagtawag ng ina ni Hendrix na manganganak na ang asawa ay ang pagdating ng mga taga-NBI na may dala-dalang warrant of arrest. "What the h*ll is going on?" nagtataka niyang tanong. Aba'y sino ang hindi magtataka kung basta na lamang may sumulpot at magsabing under arrest? Hindi nga siya makauwi-uwi dahil sa manganganak na ang asawa tapos nais pa siyang arestuhin. "Sorry, Mr Albayalde, but you need to come with us," tugon ng isang unipormadong opisyal. "What? No! Walang rason upang sumama sa inyo dahil wala naman akong alam na kasalan. I'll go to the hospital to see my wife who is in labour," inis na rin niyang sagot. "Ano'ng gusto mo, Mr Albayalde, ang sasama sa amin ng mapayapa o ang kailangan pang puwersahin ka? Isa kang agent or should I say alagad ng batas pero bakit