WALANG kasing-saya para kay Kenjie ang nalaman na darating sa LA ang pinakamamahal niyang babae. Well, wala naman siyang intensiyon na makinig sa mga ito. Ngunit dahil nakakalabas-pasok siya sa tahanan ng Mommy Whitney niya ay walang nakahalatang dumating siya at napakinggan accidentally ang usapan ng Tito Patrick Niel niya at ang kausap sa telepono. Upang mas maging kapani-paniwalang wala siyang narinig ay patalihis siyang bumalik sa gate at nag-doorbell. "Oh, ikaw pala, anak. Bakit hindi ka na lang pumasok? Bakit nagdoorbell ka pa? Ikaw talaga oo, hala pasok ka," ani Niel Patrick nang napagbuksan ang legally adopted child ng kaniyang mahal na Leona. "Mas maganda pa rin po, Tito, ang mag-doorbell para may thrill. Nandiyan po ba mga kapatid ko?" patanong na tugon ng binata. Pero bago si