FEW years later... "Where is your Mom, son?" tanong ni Patrick Niel sa anak na si Patrick Cyrus na nadatnan sa sala ng kanilang tahanan sa Los Angeles. "Puwedeng magtagalog muna tayo, Daddy? Eh, baka marinig tayo ni Mommy at pagalitan tayo." Hagikhik ng anim na taong gulang na si PC. Tuloy! Natamapal niya ang sariling noo. Dahil talaga namang pabago-bago ang ugali ng mahal niyang asawa sa mga nakaraang buwan. Sa Los Angeles man sila nakatira ay sinanay nilang mag-asawa ng Tagalog ang dalawang anak. Fluent English speaker din sila. Ngunit kapag nasa kabahayan kasi silang mag-anak ay madalas na Tagalog ang salitang ginagamit. "Okay, son. Ngayon ay sabihin mo kung nasaan ang Mommy ninyo. Aba'y hindi ko pa siya nakikita simula kanina. At isa pa, ang kambal mo, nasaan?" sunod-sunod niyang