CHAPTER SIX

1516 Words
ISANG umaga habang naghahanda si Whitney Pearl sa pag-alis para magreport sa kaniyang trabaho ay eksakto rin namang tumawag ang boss niya. Ang trabaho niyang pilit itinatago sa karamihan. Kung hindi pa siya nabuko ng mga magulang ay baka wala pa silang nalalaman hanggang sa oras na iyon. Subalit masasabi niyang mabuti na rin iyon kaysa naman feeling guilty siya araw-araw sa tuwing kinukumusta siya ng mga ito by long distance call. "Boss, napatawag ka? Ano'ng mayroon?" agad niyang tanong na hindi man lang kinukumusta ang caller. "Hindi ka pa rin nagbabago, Miss Harden? Aba'y puwedi bang bumati ka muna bago mo ako tanungin kung anong mayroon?" Boss man niya ito pero hindi umuubra sa kaniya lalo na kung usapang trabaho. Still, she respect him because he is still her superior. "Naku, Sir, wala na ang tamis ng katawan ko. Kaya huwag ka ng umasa na babatiin kita at isa pa bakit nasa radio ba tayo para batiin kita? C'mon, Sir. Ano'ng mayroon at naaabala mo na ako sa aking paggayak upang makasok sa trabaho." Salubong ang kilay ng dalaga habang kausap ang superior. Siya ang nakakalbo rito! Well, life must go on, by the way! "Oo na, Miss Harden. wala ka pa ring kupas hindi ka pa rin natatalo. Ibaba no na iyang kilay mo baka puwedi ng sabitan ng kaldero." Pagbibiro tuloy ng kaniyang boss na wari'y nasa paligid siya. Akala nga niya ay tapos na ito pero humagip lang pala ng hangin bago nagpatuloy. "Total matagal-tagal na rin ang bakasyon mo ay puwedi ka ng ma-assign sa ibang lugar. But let's not discuss that over the telephone. Total papasok ka naman na sabi mo kaya't dito na tayo mag-usap." Sa pananalita na lamang ng boss niya ay nararamdaman niyang may mali at seryosong ipapagagawa o malaking assignment niya. "Teka lang, boss, nandito ka ba sa main o sa branch? Kasi kung nasa branch ka kailangan ko pa ng travel and you'll be waiting for few hours. Ngunit kung dito aba'y right away nandiyan ako," seryoso na ring sagot ng dalaga. "Ikaw, Miss Harden, baka sinagot mo na naman ang cellphone na hindi mo tiningnan ang ID code ano? Yes, I am nandito ako sa L.A. Kaya't kung ako sa iyo ay pumasok ka na," wika nito kasabay ng pagkawala sa linya and at the end ay siya pa ang biniro ng boss niya. "Pambihira naman ang kalbong ito oo. Huuh! Makapasok na nga----pero teka lang hayaan mong maghintay ang panot na iyon at masilip ko muna si baby." Bawi naman niya kaya't imbes na lumabas ay hindi. Dahil sumilip pa siya sa kuwartong kinaroroonan ng batang akala ng lahat ay sarili niyang anak. At kaya siya nagbakasyon ng tatlong buwan even not totally vacation dahil nagrereport naman siya. Ang akala ng lahat ay nanganak siya. AFTER SOMETIMES... "Ano?! Iyan ang ipapagawa mo sa akin, Sir?" 'Kung alam mo lang gusto ko sanang patayin ang gago!' Gusto sanang idagdag ni Whitney ng malaman ang kaniyang new assignment. "Yes, Miss Harden. Dahil ikaw ang alam kong makakagawa sa bagay na iyan lalo at kaibigan mo si---" Alam na alam niya kung ano ang nais tukuyin ng kaniyang boss. Kaya't hindi na niya ito hinintay na matapos. "Akin na ang buong detalye at ako na ang bahala!" Ngitngit niya. Galit siya pero hindi dahil sa trabaho kundi dahil kung kailan unti -unti na niyang natatanggap na wala ang best friend niyang si Cassandra ay saka naman siya nalaman na ang next assignment ng kaniyang team ay ang taong naging dahilan para nabuntis at pumanaw ito. Samantala sa loob ng Grand Pix Race Track Los Angeles, California, gamit ang device niya ay maingat na naglalambitin si Whitney sa bubong nito na gawa sa semento. Animo'y isang pusa na sanay sa paglipat- lipat sa bawat pagitan ng mga yerong nakakabit sa bubong ng race track. Kung tutuusin sa isang anak mayamang tulad niya ay hindi na niya kailangang magpakahirap sa ganoong uri ng trabaho. Dahil isang sabi lang niya sa asawa ng bunsong kapatid ng daddy nila ay pasok agad siya lalo at qualified siya para sa trabaho. Pero iyon ang pinakaayaw niya sa lahat. Ang gamitin ang koneksyon ng pamilya para makakuha ng trabahong ninanais. Anak mayaman siya pero gusto niyang makamtan ang bagay sa sarili niyang sikap hindi ang pangmadaliang paraan. Lihim niyang kinakabit ang mga linya ng camera na tanging sa computer nila mabuksan. Nagduda siya nang makita ang pangalang Howard John sa file at higit sa lahat ay kapangalan ito ng lalaking naging dahilan ng kabiguan ng bestfriend niya. "Lintik lang ang walang ganti hayop ka! Ewan ko ba kung anong mayroon sa iyo at gano'n na lamang si Sandra sa iyo! Sukdulang isinuko ang sarili sa tulad mong demonyo samantalang naglipana naman ang mga mas guwapo at mayaman. Sa isang drug lord pa umibig ayan tuloy." Ngitngit at piping sambit ng dalaga habang patuloy sa ginagawa. Ito pala ang isa sa mga sponsor ng pinakamalaking car racing sa buong California. Kaya't ganoon na lamang nito ibinasura ang kaibigan niyang law maker. Actually, tatlo silang magkakaibigan. Ang isa ay naging hipag niya sa pinsan. Ngunit dahil sa sakit ay maagi rin itong namatay. Kaya't naging balo forever ang pinsan niyang may-ari ng 4C'S sa major cities ng bansang Pilipinas. Tapos na niyang ikabit ang linya ng camera ng may maulinigan siyang parang nagtatalo. Lihim siyang lumapit sa mga ito at pinindot ang device niya at kinunan ang mga ito ng picture at video. "Sa una pa lang alam muna Howard ayaw na ayaw kung idawit ninyo ang race track ko!"aniya ng lalaking nakatalikod pero gano'n na lamang ang pagkagulat niya ng napagtanto niyang ang boyfriend niya itong si Philip. Forget to mention that her boyfriend is a PhilAm. Filipino ang tatay nito at americana ang nanay which nanay nilang pareho ni Howard. "I think you're forgetting already, Philip? Or maybe you really don't want to look back as you don't want to tell your girlfriend that I'm your brother?" nakaismid na sambit ng nakatalikod. "Ano'ng kinalaman ng nobya ko dito? Nanahimik ang tao bigla mo siyang idadamay? Huwag kang mag-alala I'll never forget you help me alot I'm telling you the truth at bago pa mahuli ang lahat magbago ka na." Pilit na maging kalmado ni Philip dahil hanggat maaari ayaw niyang mag-away silang magkapatid. "You're not telling the truth because you're hiding your identity to your girlfriend too, Phillip. Even you never tell her that I'm your brother," nakaismid pa nitong sambit. "Huwag na huwag mong idamay ang nanahimik kong nobya, Kuya! Dahil kapag sinabi ko pang kapatid kita na nanloko kay Cassandra ay mas kamumuhian ka noon. And mind you hindi lang ikaw ang may pera sa ginamit ko dito dahil pawis at dugo ko ang naging puhunan ko rito. Nagkataon lang na mas mapera ka kaysa sa akin. Pero huwag kang mag-alala dahil ngayong nakaangat na franchise ko rito sa California ay babayaran kita. Dahil ang higit kong kinamumuhian ay isumbat ang naitulong at idamay ito sa maling gawain!" Ginawa na niya ang lahat o ang pang-unawa sa half brother niya. Ngunit tao lamang siya kaya't naapuno na rin. Lahat ng iyon ay dinig na dinig ni Whitney at mas nadagdagan ang galit niya sa ex-boyfriend ng yumao niyang kaibigan. Bukod sa may asawa na itong tao ay drug lord pa. Pero sa isang maling kilos o hakbang niya para makaalis sana sa lugar na iyon ay sumabit ang black jacket niya sa yero na naging dahilan ng pagkahulog nito. "KUMUSTA na raw ang anak ninyo, buddy?" tanong ni General De Luna sa kaibigan. "Sa ngayon ay hindi ko masasabing okay siya, buddy. Dahil sa katunayan ay humingi siya ng tulong upang madala sa probinsiya ang bangkay ni Phillip. Kaso sa palagay ko ay hindi kakayanin ng kaniyang katawan," tugon naman ni Terrence Christopher o ang ama ng Leona. Ngunit napabaling sila sa isa pa nilang kaibigan dahil bukod sa basta na lamang ito sumulpot ay sa salita nito. "Huwag kayong tumingin sa akin ng ganyan mga buddy. Dahil sa katunayan ay walang ibang makatulong sa inaanak namin ni Buddy General kundi ang sarili mismo. I'm sorry to my words but she will understand what I'm going to say right now. Una, hindi niya kasalanan ang nangyari o pagkaaksidente ng naunsiyaming manugang natin. Pangalawa, nobyo niya ang pumanaw subalit hindi siya obligadong dalhin ito sa nanay nito. At higit sa lahat ay mayroon siyang sariling buhay na dapat harapin. At ito ang batang iniwan sa kaniya ng kaibigan at ang trabahong naghihintay sa America. Ang Leona ng pamilya ninyo, buddy Terrence ay huwag n'yong kalaimutang sinakop ang lahat. Lawyer na FBI na sniper at bokalista sa banda nilang magpipinsan sa Mondragon." Boom! Ang Ace Cyrus Aguillar ay napatula! Kaso! Bago pa nito mahulaan ang nasa isip ng magbayaw na mga kaibigan ay nagmistula na silang mga bata. Dahil bukod sa pinagtulungan itong kiniliti ay nagkaroon pa ng pillow fight! Iyon nga lang ay napaseryo silang magkakaibigan nang lumapit ang personal bodyguard ng heneral. Subalit nagulat naman sila dahil sa ibinalita nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD