BAGUIO CITY, PHILIPPINES "Tumawag na ba ang mga bata, Pare?" tanong ni Grandpa Terrence sa balae. Bihira na silang magkita-kita dahil na rin sa nagkakaedad na ngunit hindi sagabal iyon upang hindi magkaroon ng bonding. Wala namang problema sa kanilang magbayaw dahil kapwa sila nasa Baguio kahit. Samantalang si Ace Cyrus ay sa lugar ng asawa o sa Nueva Ecija. "Kung ang mga apo natin ay oo, Pare. May duty raw ang Mommy at Daddy nila. Pero kung ang anak kong lampa kung tawagan ni Whitney samantalang si Sir General ang binansagan nilang lampa---" Kaso ang pananalitang iyon ni Ace Cyrus ay pinutol ng asawang talaga namang bahagya pa siyang kinurot-kurot. "Aba'y kailan ka matatapos sa pagsagot sa lagay na iyan, mahal? Susme, dinaig mo na yata si bunsong walang kawala ang manugang natin sa